Chapter 9

93 16 2
                                    

Chapter 9

[Now Playing: We Will Rock You - PIXEL]

Akmang patayo na sina Oira at Leo, mula sa kanilang kinatataguan, nang biglang isang kamay ng lalaki ang lumukot ng damit ng dalaga pataas. Pagtingin nilang dalawa sa mukha ng pinanggalingan ng kamay ay tila nakakita sila ng multo sa nakita nila.

"Sino kayo at bakit n'yo ako sinusundan?"

Hindi sumagot silang dalawa. Inilapit ng dalaga ang bibig sa isang tainga ng kaibigan at duo'y ibinulong ang nais nito na sabihin. "Leo, magteleport ka na ngayon din at sabihin sa kanila na natagpuan na natin ang lalaking hinahanap natin."

Kaagad naman na sinunod ng binata ang utos ng kaibigan. Mabilis ito na nag-anyong tubig at kasabay nito ang tuluyang paglaho sa puwesto nito.

Nang makaalis na nang tuluyan si Leo, agad naman na nag-isi si Oira ng paraan, upang tuluyan nang makawala mula sa pagkakahawak sa kanya.

Kapansin-pansin ang bahagyang pagliwanag ng kwintas sa loob ng damit ng dalaga. Gamit ang kapangyarihang nakapaloob sa kwintas nito, isang bola na gawa sa pinagsama-sama niyang mga nakakalat na bato sa paligid ang kanyang nilikha. Isa-isang lumutang ang mga nagkakalat na pira-piraso ng bato sa paligid at doon ay nagsimula na ang mga ito na magsama-sama hanggang sa maging ganap na itong higanteng bolang bato. Inihati na nito muna ito sa dalawa at muling ipinagdikit nang tuluyan na niyang naikulong sa loob ang nasabing lalaki. Ngunit sa kasamaang palad, akmang ipapasok niya ang lalaki sa ginawang higanteng bolang bato ay kaagad nang kumawala ito, mula sa pag-control ng dalaga.

Nag-anyong santelmo ang lalaki at lumutang ito sa ere palayo. Kung kaya't ang ginawang kulungan ni Oira ay na balewala. Kapansin-pansin naman ang kusang pagbalik sa pagiging mga tipak na bato ang kanina na bolang bato.

Kaya't bago pa man makalayo nang tuluyan ang lalaki,  kaagad nang nag-isip si Oira ng panobagong plano. Napatingin ito sa yerong ilang agwat lang ang layo sa kanya at duo'y isang ideya ang mabilis na pumasok sa isipan ng dalaga. Kapansin-pansin ang muling pagliwanag ng kwintas na suot nito at ng kanyang mga mata. Tinitigan nito ng malagkit ang nasabing bagay hanggang sa mayupi ito ng tuluyan at maging ganap na hoverboard. Naglakad ang dalaga palapit rito. Sumampa ito sa ibabaw nito at duo'y nagsimula nang lumutang siya sa ere at sundan ang nasabing lalaki.

"Kahit saan ka pa pumunta, mahahanap at mahahanap pa rin kita!" ani Oira sa isipan.

-

Dinala si Leo ng kanyang pag-te-teleport, bilang isang tubig, kung saan ay kasalukuyang naglalakad ang dalawa niyang kaibigan, na sina FeliX at Rose, sa isang masikip na eskinita. At nang tuluyan na nito nahanap ang dalawa, ang isa naman nilang kaibigan na si Usef ang kasunod niyang hinanap. Bumuo silang tatlo ng hugis bilog habang magkahawak ang kanilang mga kamay at magsimula na sila mag-teleport bilang tubig, nang biglang palibutan sila sa mismong puwesto nila ng mga kulay itim na makapal na usok, na mayamaya lang ay unti-unti na nagiging mga goblin, na may tig-iisang hawak na may kalakihang palakol. Mabilis silang tatlo kumalas sa paghahawakan ng kamay at inihanda na ang kanilang mga sarili. Pinaggitnaan ng dalawang binata si Rose.

"Mukhang mapapalaban muna tayo bago hanapin si Usef, ah," maangas na sabi ni Rose, na naka-pamewang.

Hinubad ni Leo ang suot gloves sa parehong kamay at isinilid ito sa bulsa. Nagsimulang magkulay asul ang kanyang mga mata. Ipinalabas nito ang mga hasang sa dalawang tenga't baraso. At nagsimula na ring lumikha ng bolang tubig sa pareho nitong palad.

Mysterious Force √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon