Chapter 14
Pagdating nilang lahat sa lugar, kung saan sila dinala ng lagusan ay kaagad na silang nag-umpisang maglakbay patungo sa kinaroroonan ng babaeng manananggal na hinahanap nila at nagmamay-ari ng espiritu ng hangin.
Nagtataasang puno at abot hanggang tuhod na damo ang kanilang mga nadadaanan habang sila ay naglalakbay patungo sa kinaroroonan nila.
Kalahating oras pa lang ang lumipas, mula nang lisanin nilang pito ang lagusan ay isang lugar na ang natanaw ng isa sa kanila sa kalayuan.
“Guys, tignan n'yo ohh.” turo ni Leo sa malaking kulay pula na tent na nasa likuran ng nagtataasang mga puno.
“Ano'ng meron do'n?" Nagtatakang tanong ni Felix.
Mayamaya pa, kapansin-pansin ang pagkinang ng pendant ng kwintas na suot nilang apat at ang biglang paglitaw rin sa kanilang harapan ng isang kulay puting enerhiya, kung saan ay nagsasabing sundan siya.
At nang sundan nila ang nasabing enerhiya, laking-gulat nila ng dalhin sila nito sa nasabing tent. Naisipan nilang pumasok sa loob upang dito na ipagpatuloy ang paghahanap. Ngunit, akmang papasok na sila sa bukana ng tent, nang biglang harangin sila ng dalawang may malaking pangangatawan na lalaki.
“Hep! Hep! Saan kayo pupunta?" tanong isa sa dalawang bouncer na kasalukuyang naka-bantay sa magkabilang gilid ng bukana.
“Ayy, si Kuya palabiro. S'yempre po, manunuod ng palabas sa loob.” pa-sweet na tugon ni Rose.
“Bago kayo pumasok, nasaan na muna yung mga ticket n'yo?” wika pa ng isang bouncer.
“Hindi mo naman sinabi Usef na kailangan pa pala ng ticket, bago makapasok.” nakangising tugon ni Aina, sabay pasimpleng kindat ng isa niyang mata kay Usef.
“Btw, highway mga Kuya. Sa'n po ba kami p'wedeng makabili ng ticket?” pa-sweet na tanong ni Rose sa dalawang bouncer.
"Nakikita n'yo ba yung maliit na tent na kulay berde na 'yon?”
Sabay na nilingon nilang pito sa gawing kanan ang kanilang ulo sa tinuturo ng nasabing boncer. At isa-isa silang tumango nang makita na nila ito.
“Doon, doon ang bilihan ng mga ticket.”
Walang anu-ano'y pinuntahan na nga nilang pito ang bilihan ng ticket. At pagdating nila rito ay kaagad na silang pumila upang bumili ng ticket.
Kinalampag ni Felix ang maliit na bintana sa kanyang harapan. “Pabili nga po, pitong ticket.”
Isang mukha ng babaeng clown ang dumungaw sa bintana. “Ayy, sorry po Sir. Sold out na po ang lahat ng ticket namin, e.” tugon ng kahera, sabay sara na nito ng bintana.
Kapansin-pansin ang isa-isang pagkadismaya ng mukha nilang pito sa narinig.
"Paano na this?" malungkot na tugon ni Rose.
Habang nag-iisip ang lahat kung paano sila makakapasok sa tent, kapansin-pansin ang bahagyang pagngiti nila Felix at Leo.
“May naisip na kami guys!” masiglang tugon nila Felix at Leo sa mga kasama.
Pagdating nilang lahat sa parteng likuran ng malaking tent na kulay pula ay patago nilang pinagkukuha ang mga susuoting kasuotan ng mga magtatanghal, samantalang sina Usef at Wayne nama'y abala naman na ginagapos at nilalagyan ng tape ang bibig ang mga magtatangahal na sana sa maliit na silid sa likuran ng nasabing tent na kinaroroonan nila. Matapos ang ginawang paggapos ng dalawa ay nagmadali na rin silang nagbihis.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasyMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...