Chapter 10
Matapos nilang tatlo ihiga ang binatang santelmo sa kuwadradong malamig na semento ay tuluyan na nilang iniwan ito na walang malay at nagsipuntahan na silang lahat sa kanilang mga silid upang magpahinga.
Kinabukasan...
Habang mahimbing na natutulog ang lahat sa kanilang silid, na-alimpungatan ang lahat nang biglang umalingawngaw sa buong himpilan at mga silid ang ingay na nagmumula sa alarm.
Tarantang bumangon ang lahat mula sa kani-kanilang mga kama at iniwan nila ang silid na hindi man lang naka-pagliligpit ng higaan at hindi rin naka-pagpapalit pa ng kanilang damit, dahil sa sobrang pagmamadali. Dumiretso ang mga ito papuntang sala at duo'y tumambad sa kanila ang isang binata na kasalukuyang nagwawala at isa-isang sinasabuyan ng bolang apoy ang lahat ng makitang bagay nito sa paligid.
Upang hindi na lumubha pa ang mga pinsalang nilikha ng nasabing binata ay kaagad nang gumawa ng aksyon ang buong Mysterious Four. Isa-isang inilabas ng mga ito ang kanilang kuwintas, mula sa kanilang damit. Sabay nila hinawakan ang kanilang mga kwintas at kapansin-pansin na ang bahagyang pagiging kasin-kulay ng kwintas at mata nila, senyales na tuluyan ng na-absorb ng katawan nila ang kapangyarihan ng kwintas.
Gamit ang kapangyarihang isipan ng dalagang si Oira, pinasok nito ang isipan ng binata, at mayamaya lang, kapansin-pansin na ang bahagyang nitong pagkalma at pagkawalan muli ng malay. Bumagsak ang binata sa mismong kinatatayuan nito.
Magkatulong sina Usef at Leo na binuhat at inihiga ang binatang santelmo sa kuwadradong semento. Matapos ni Oira pakalmahin ang binatang santelmo ay muli na nilang apat ipinasok ang suot na kwintas sa damit.
Mayamaya pa, matapos ang ginawa nila Usef at Leo, kapansin-pansin ang muling pag-alingaw-ngaw sa buong lugar ng ingay na nagmula sa alarm.
Aligagang nagtungo ang lahat sa malaking monitor at duo'y napanuod nila ang isang dalagang sigben na kasalukuyang nagwawala sa siyudad. Kung kaya't bago pa man lumala at dumami ang mapinsala ng nasabing dalaga ay kaagad na silang gumawa ng hakbang patungong siyudad.
“Leo, ikaw na muna ang bahala sa kanya.” paki-usap ni Oira sa kaibigan sabay sensyas sa binatang santelmo.
Tanging ngiti lamang at malalim na dimple ang naisagot ni Leo kay Oira.
Dahil sa nakita nilang apat, kaagad nang kinuha nila Felix, Usef, Oira, at Rose ang kanilang mga damit mula sa kanya-kanya nilang mga transparent na capsula, at duo'y nagbihis.
Nang tuluyan na silang apat naka-pagbihis ay nagtungo naman silang tatlo kay Oira upang magteleport na patungong siyudad. Kasalukuyang nakatayo si Oira sa harap ng makinang lagusan at katatapos niya lang ito paandarin. Naunang pumasok ng nasabing lagusan si Oira na kaagad namang sinundan ng tatlo niyang kaibigan. At wala pa'ng isang minuto ay tuluyan na nilang narating ang kanilang pupuntahan.
Pagdating nilang apat sa nasabing lugar ay bumungad sa kanila ang nakabibingi sa labis na katahimikan dulo't ng walang ni-isang tao ang nasa kahabaan ng patag na kalsada. At dahil wala pa silang makitang kakaibang nilalang sa paligid ay napagpasiyahan na muna nilang apat na maglakad-lakad. Tumagal ng ilang minuto ang kanilang paglalakad-lakad. At sa gitna ng paglalakad nila, bigla na lang sila napahinto nang isang napaka-lakas na sigaw mula sa babae ang kanilang narinig.
Dali-dali nilang apat pinuntahan ang pinanggalingan ng tinig, upang malaman kung ano ang mayroon roon. Mabilis na lumiko silang apat sa gawing hilaga ng eskinita na kanilang tinatahak. Sa pagdating nila sa nasabing tinig, isang babaeng naka-damit pang-opisina na walang tigil na nagbebend ng lupa ang kanilang nadatnan.
BINABASA MO ANG
Mysterious Force √
FantasyMysterious Trilogy #2 [COMPLETED] -Four years ago, after the battle between Light and Dark, whole Silver City was in Safe and Sound. Not until, one Mysterious Lady was entered in their lives and make again a powerful battle. The Mysterious Four was...