ENTRY NO. 1

8K 191 3
                                    

ENRTY NO.1

Dear Suni,

Hi! Ako nga pala si LEI, shortcut lang yan. Saka na yung real name ko sa tamang panahon haha char Aldub yarn. Ang weird ko no? Kaya LEI na lang. Nagtaka ka siguro kung bakit SUNI? Initials mo yan. Sebastian Uriah Nicomendez Idos. Ang corny pag Seb common naman pag Uriah kaya para maiba... SUNI na lang. K. Walang may pake. Bye na.

Pa-mysterious konti,
- LEI

Napangiti ako ang cute ng tawag nya sakin. Di sya nakaka bakla

Binabakla kasi ako ng iba sa Seb tapos Uriah kilala na nila yun. Basta Uriah ako na yun

Kumain na ako ng breakfast habang binabasa ko yung diary ata.

"Oh anak ano yan?" Tanung ni mama

"Ah wala po ma. Notes ko lang" palusot ko

Actually di kasi sya mukhang diary. Notebook lng sya na plain white. Tapos nabalot ng plastic cover kaya ang linis ng pagka white. Halatang pinagiingatan

"Notes? Eh kakatapos lang graduation nyo kahapon ah?" patay...

"Ah, hehe, Ma. Requirements ko sa clearance" kagatin mo ung alibi ko ma!

Nagkibit balikat na lang si mama

Nakakatuwang isipin na bida ata ako sa diary na to

Flinip ko ung next page

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon