ENTRY NO. 36

2.5K 57 4
                                    

ENTRY NO. 36

Dear SUNI,

Since tapos na ang exams pwede na mag half day. Iiwas na lang ako sa gulo. Gusto ko lang naman matapos tong school year na to nang maayos. Hindi ko alam if malas ba ako or ewan, kanina natisod ako sa corridor. Nagsitawanan yung mga tao sakto kasing recess yun. Nakakahiya. Ang sakit pa ng tuhod ko kasi may gasgas. Tapos magpapasa na dapat ako ng portfolio pero naiwan ko pala sa isang room kung san kami last na nag klase. Nung binalikan ko nagupit gupit siya. Hindi rin naman alam nung mga sumunod samin kung sino may gawa. Hindi ko alam if pano ko to irurush. Isa pa pala, sana hindi umabot sayo yung chismis na malandi daw ako tapos buntis. Buong high school life ko ikaw lang naging crush ko. Hindi mo nga ako mapansinpansin san naman ako kukuha ng bubuntis sakin? Ay ang sexy ko kaya, char. Tingin ng mga tao sakin? Santa santita?

Pure and innocent,
- LEI

She's definitely being bullied. Nabubuhusan ng tubig, tinitisod sa corridor, spreading baseless rumors. Sana aware ako nung mga time na ito. If only I knew, I should have done something.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon