ENTRY NO. 46

2.6K 50 1
                                    

ENTRY NO. 46

Dear SUNI,

Ang saya umakyat ng stage kasama ang friends and classmates. Sakin pa natapat yung mic nung kumakanta ng graduation song natin. Ang cutie din nung napiling kanta ng teachers natin no? Today my life begins, pero sana wag nating I leave the past behind us, pwede siguro yung mga bad memories pero for sure ang daldalhin ko lang eh yung mga good memories ko ng high school. Pigil na pigil ako umiyak kanina, ito kasing si Reese biglang yumakap tapos umiyak odi ako din tuloy, inggetera ako eh. Tapos sumunod naman to sila Clydel at Irah, odi wala na yung pinag hirapan kong liquid eyeliner, ang hirap pa naman I achieve yung wing. Hindi ko pa rin  nasasabi sa mga kaibigan ko na aalis kami. Ayaw ko naman sirain tong moment na to. Ang saya saya namin oh. Baka din pala iwan ko tong diary na to kasi ang purpose lang naman nito eh kunyari kausap kita. Since tapos na Ang high school at aalis na din ako, I think need ko na rin i-let go tong feelings ko for you

- LEI

Teka, napulot ko tong notebook after graduation sa may parking lot. If hawak niya pa to hanggang graduation song, bakit to nasa school?

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon