48

3.2K 51 2
                                    

Agad kong hinanap yung mga kaibigan ni Lauren. Pagdating ko sa room nila, nasa tambayan daw sila sabi ng iba nilang kaklase. Tinanong ko naman agad kung saan yung tamabayan nila.

Pagdating ko dun sa shed, andun silang walo. Mukha silang madami tignan kasi sa pagkakaalam ko tuwing recess or lumilipat ng room talagang magkakasama silang grupo. Pero habang papalapit ako sa pwesto nila, ramdam kong may kulang.

"Uy, Uriah. Ano kailangan mo?" Tanong ni Dylan

"Gusto ko lang sana malaman if anong nangyari kay Lauren" sagot ko sa kanya

"Wala ba jan sa notebook? Knowing Lauren, ikwekwento niya lahat jan ng ganap sa buhay niya. Madaldal yun eh" rinig ko yung pilit na saya sa boses ni Lhi

"Hindi ko alam if bakit ako kinakabahan pero parang putol kasi yung last entry dito. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kanya kahapon after graduation diba?" Explain ko sa kanila

Halata ang gulat sa mga mukha nila. "Okay pa siya kagabi nung nag picture kami after graduation song. Patingin nga" Sabi ni Reese. Binigay ko naman sa kanya yung diary.

"Parang putol nga. San mo to napulot kagabi?" Tanong ni Reese sakin

"Sa may parking lot, katabi ng kotse namin." Sagot ko

"Yung kotse na white sa may bandang puno ng Narra?" Tumango naman ako sa tanong ni Ven

"Dun nagpark yung parents nila Lauren kahapon. Dun ko siya sinundo bago mag start yung ceremony" singit ni Clydel

"Wait, wala naman siguro nangyaring masama sa kanya diba? Kasi imposibleng iiwan niya tong gamit niya basta basta. Sino last na nakakita sa kanya kahapon?" Tanung ni Irah

"Ako ata? Kasi nga nag picture pa kami after graduation song. Eh diba busy tayo halos lahat nag pipicture. Tapos sabi niya mag papaalam lang daw siya saglit. Hindi ko naman na tinanong if kanino." Sabi ni Reese

"Yung last entry nagpapaalam siya jan sa notebook. Baka ang ibig niyang sabihin mag susulat lang muna siya ng entry niya?" Suggest ko

"Hindi ko na siya nakita kagabi eh, pero nakita ko yung parents niya na umalis. Kotse nila yung red diba? Katabi nung Narra mismo?" Nagsitanguhan naman silang lahat kay Dylan.

"Wait nga! Hindi na tuloy ako mapakali. Tara na kaya sa bahay nila? Kinakabahan ako sa inyo eh" suggest ni Lhi

"Tara, Tara" nagsitayuan naman na silang lahat.

"Sama ka na. Alam kong gusto mo rin siyang makita" aya sakin ni Dylan

Sakto namang dumating si Milan. "Kanina pa kita hinahanap, sasabihin ko sana sayo kung nasaan sila, mas nauna mo pa pala silang nakita" natatawang sabi niya sakin

"Sama ka na rin, pupunta kami sa bahay nila Lauren. Kaclose mo naman si Lauren kahit papano" aya ni Ven sa kanya

"Bat tayo pupunta dun? Mag meet and greet na ba sila? Sabi sa inyo dati pa na irereto ko tong kaibigan ko kay Lauren eh. Dapat nung kalagitnaan pa ng school year" reklamo ni Milan

"Mamaya ka na magreklamo, tara na" Saka ko siya hinila

•••

"Tao po! Tita Lori!"

"Tita sila Reese po to!"

"Lauren! Tao po!"

Katok lang kami nang katok pero wala pa ring sumasagot

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon