52

3.5K 36 25
                                    

Pagdating namin sa grocery kita na namin sila agad. Ang ingay kasi ni Reese.

"Ay mabuti dalawa kayong pumunta. Akala namin isa lang for sure nag turuan muna kayo" daldal ni Reese

"Ikaw nanaman talo no? Vinolunteer ka nanaman siguro ni Milan" natatawang sabi ni Clydel

"Bat ikaw pumunta? Sinabihan ka ni mama?" Tanong ni Lauren kay Rence

"Yeah, you know I can't resist her" sagot naman ni Rence. So close nga siya sa mama ni Lauren?

Binuhat na namin yung mga pinamili nila saka bumalik sa bahay nila Lauren. Pagdating namin dun naka set up na yung dalawang tent at nagpapabaga na sila ng uling para daw sa barbeque.

Kanya kanyang tulong na kami ng kung anong pwedeng gawin sa pag preprepare. Mabuti na lang ata medyo madami kami kaya halos Ang bilis namin matapos yung mga trabaho.

"Uy yung nag iihaw jan baka pasimpleng kumakain na" biro ni Milan

"Loko, kahit bilangin mo pa tong stick na andito" natatawang sabi ko. Ako kasi yung nag iihaw

"Ikaw si Uriah?" Napalingon ako sa nagsalita yung papa pala ni Lauren

"Ah, opo, ako po" nahihiyang sagot ko. Bat kilala ako ng papa niya?

"Madalas kasi kayo makwento ni Lauren samin. Syempre, gusto din namin marinig yung mga kwento niya nung nag aaral pa siya dito sa Pilipinas" kwento ng papa niya

Gusto ko tanongin if ano mga na kwento ni Lauren about sakin or baka mahapyaw niya lang akong namention sa mga kwento niya. Syempre wala naman kami ganoong memories bukod dun sa dare na hindi niya nagawa at yung double dare nung prom.

Nakwento kaya niyang na bully siya bago matapos ang school year? Sana hindi

"Pa, ako na dito. Hanap ka dun sa loob" biglang sabi ni Rence

"Oh siya, sige. Maiwan ko muna kayo at baka kailangan ako dun" paalam nung papa ni Lauren

Pa? Papa? So boyfriend nga siya ni Lauren?

"Are you close with Lauren?"

"Ah, hindi naman masyado. Naging friends ko yung friends niya after graduation ng high school" explain ko

"She mentioned you in some of her stories so we know your name. Hindi kayo magkaklase noo, right?"

"Hindi, section 1 ako dati. I'm in the same section as Milan while the others are in section 2" nakakakaba naman to ka kwentohan puro English.

Mukhang may sasabihin pa siya nang biglang dumating si Lauren.

"Tapos na kayo? The others are preparing the table na" sabi nito samin

"Yeah, this is the last piece na. Why? Do you need help in preparing there?" Tanong ni Rence

"No, na. Kayo na lang hinihintay actually. Why don't you go call papa and mama na para sabay sabay tayo kumain" suggest ni Lauren

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon