51

3.6K 93 12
                                    

Sino yun? Boyfriend niya ba yun? Bakit parang hindi ako mapakali.

Pagdating nung mga drinks agad kong hinanap yung sakin saka uminom agad. Para akong uhaw na ewan, hindi ko maintindihan pero para akong kinakabahan.

"Hoy to! Hindi pa dumadating yung food kalahati na inumin mo" reklamo ni Clydel sakin. Napatingin naman ako sa inumin ko. Oo nga nakalahati ko na

"Sige ka jan, mag palpitate ka mamaya. Kung wala lang straw feeling ko itutungga mo na yang iced vanilla latte mo" asar sakin ni Ericka

Habang busy akong pinagtatawanan ng mga kasama ko dumating na yung mga pagkain namin. Nakitabi na rin si Lauren samin, umupo siya sa tabi ni Reese which is katapat ng upuan ko.

"Sali na me sa kwento. Kamusta na kayo? Nakakamiss kayong makita na magkakasama" sabi ni Lauren. Nag kwentohan naman na lahat.

Tahimik lang ako sa upuan ko kasi wala naman ako masyadong maikwekwento. Hindi naman kasi ako part ng memories nila nung high school.

"Here" napatingin ako dun sa baristang naglapag ng shake sa tapat ni Lauren. "Uy, lika, join ka muna samin. Wala naman na masyadong costumers" aya ni Lauren Saka umusod ng upo.

Nagkanya kanyang Hi naman tong mga kasama namin sa kanya at isa isa silang nagpakilala. "And this is SU-- Seb, I mean Uriah. Section 1 sila ni Milan nung high school kami so they're not in the photos that I showed you before" explain ni Lauren

"Nice meeting you all. You can just call me Rence, I'm happy to finally meet the friends of Lauren" pakilala nung barista sa sarili niya

After nun, kanya kanyang kwentohan na sila. Busy silang ikwento kay Rence yung mga high school memories nila, syempre tahimik kami ni Milan kasi di naman namin sila kaklase dati.

"Par, siya daw may ari nitong cafe. Tingin mo ilang taon na siya? Malaki din need na puhunan sa ganitong business" bulong ni Milan sakin

"Hindi ba parang ka age lang natin siya?" Tanong ko kay Milan

"Feel ko rin. Hindi naman nag kwekwento si Reese sakin. Mukhang kilala na nila dati pa kaso hindi nila ka close. Napakita na siguro ni Lauren sa kanila pag nag video call sila dati"

"Sino nanamang pinag chichismisan niyong dalawa jan? Itong dalawang to kalalaking tao marites" napatingin naman samin ni Milan yung iba

"Chismis ka jan, may pinapakita lang ako kay Seb na ano" palusot ni Milan

"Ano?" Natatawang sabi ni Lhi

"Ano! Ano ba kasi pinakita ko sayo kanina?" Gusto kong irapan tong katabi ko. Ipapasa pa kasi sakin eh

"Skin sa ml" kako na lang. Natawa naman sila Ven. Halata kasing hindi totoo yung mga sinasabi namin nitong pahamak na kaibigan ko

"San na pala kayo mamaya? May plano pa ba kayong gala?" Tanong ni Lauren

"Wala na eh, ikaw ba? May gusto ka bang puntahan? G naman kami lagi" aya ni Ericka

"Gusto niyo bang mag overnight sa bahay? For sure miss na din kayo ni mama" ata ni Lauren

"Ay G ako jan! What if mag tent tayo? Dun pa rin naman kayo nakatira sa dati diba?" Tanong ni Irah

Tumango naman si Lauren. "Sige, may dalawa akong tent na malaki. Share na lang boys tas sa isang tent yung girls" alok ni Dylan

At nagplano na nga sila kung ano anong mga gagawin para mamayang overnight

"Guys ipaalam niyo ako kay mama" biglang sabi ni Milan

Nagtawanan naman lahat "Ang tanda mo na, ipapaalam ka pa namin? What if wag ka na sumama?" Asar ni Reese

"Wag ikaw, talagang di ako papayagan ni mama pag ikaw nagpaalam sakin. Mukhang di mo na ako ibabalik" reklamo ni Milan. Hinampas hampas naman siya ni Reese

"Sama ka sa bahay mamaya par, pati na rin ikaw Ven. Dapat yung mga mukhang matitino ang magpaalam sakin para Oo agad si mama"

"Kunin muna natin yung tent sa bahay tapos saka natin ipaalam si Milan" suggest ni Dylan

"Yung mga girls kayo na tuka sa food ah, mag assemble pa kami tapos maghanap ng kahoy para mag bonfire tayo tapos roasted marshmallow" dagdag ni Lhi

"Sama ka sa kanila. Gagawin ka lang naming taga tulak ng cart pag mag grocery kami, sige ka jan" sabi ni Lauren kay Rence

"Can I join?" Tanong ni Rence samin. Tumango na lang ako kasi sakin siya nakatingin.

Awkward, bakit di siya kila Lhi magpaalam? Mukha bang may say ako sa mga plano dito?

After namin maubos yung mga drinks at pagkain namin pumunta na muna kami kila Dylan kasi sa kanila yung pinaka malapit na bahay.

"Ma, overnight daw kami. Ipapaalam daw nila ako sayo" biglang bungad ni Dylan sa mama niya

Lahat kaming kasama nagtinginan. Kinausap muna kami ni tita bago siya pumayag na sumama si Dylan. Pinaalam din namin yung dalawang tent nila sa papa niya.

Nang makaalis na kami sa bahay nila kanya kanyang batok kami sakanya except kay Rence. "Hayop ka tol, feeling ko maiihi ako sa kaba habang kinakausap ko papa mo. Akala ko naman ako yung ipapaalam ikaw pala" reklamo ni Milan

"Biglaan kasi, syempre hindi ako prepared. Wala akong na collect na merits para pumayag sila mama. Kung mga last week tayo nag plano odi sana nag hugas ako ng mga plato namin" explain niya

Pagdating namin sa bahay nila Milan nag yes naman agad si tita pagka kita niya samin. "Ano oras kayo uuwi bukas?" Tanong ng mama niya

"Baka magka ayaan pa gumala tita, pero mag iingat naman po kami" sagot ni Ven

"O sige, Basta mag text ka Milan ha, kung hindi ka mag reply di ka na makakaulit" banta ni tita

Habang naglalakad kami papunta samin tawang tawa kami "Ilang taon na ba kayo at parang ayaw kayo payagan ng mga mama niyo gumala?" Tanong ni Lhi

"Only child kasi ako kaya strict sila" explain ni Milan

"Kelangan pala natin bantayang mabuti tong si baby Milan eh" asar ni Ven

Wala naman nang naging issue or matinding pagpapaalam pagdating samin nila Ven. Basta nag paalam na kami, umoo nga parents namin, nag empake na kami ng mga damit. Wala nang sermon or strict rules.

Pagdating namin sa bahay nila Lauren nasa grocery pa daw sila kaya pinapasok na lang kami ng mama niya.

"Tita, set up na po namin tong tents para ready na po pagdating nila" paalam ni Dylan

"Ay sige, kelangan niyo ba ng tulong? Tawagin ko papa ni Lauren" suggest ni tita

"Guys, need daw nila mag bubuhat mabigat daw mga pinamili nila" biglang sabi ni Lhi

"Ikaw na pumunta" bulong sakin ni Milan. Mag tatanong pa sana ako kung bat ako pinapasubo niya pero bigla na siyang sumigaw "Volunteer na daw si Seb!"

"Ay susunduin niyo sila? Rence, you go din anak baka masyadong madami mga na grocery nila" utos ni tita

Anak? So close din siya sa parents ni Lauren?

Nagtinginan muna kami ni Rence saka tumayo na para umalis. Habang naglalakad papuntang grocery napaka tahimik ng paligid. Hindi ko naman alam ano ioopen kong topic para may mapag usapan man lang.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon