The thing about love
Is I never saw it coming
You kinda crept up
And took me by surpriseMove in a little closer
Take it to the whisper
Just a little louderSay it again for me
Coz I like the way it feels
When you are telling me that i'm
The only on that cross your mindSay it again for me
It's like the whole world stops to listen
When you tell me your in loveSay it again
Pinatay ko na yung mix tape. Ilang taon na ang nakalipas simula nung mabasa ko yung white notebook ni Lauren which is LEI. Mag lilimang taon na.
Hindi ko alam kung normal pa ba akong tao pero after that incident five years ago, it's like I've developed feelings for her. Hindi ko naman siya nakilala personally, I mean kilala ko as Lauren na taga section 2. But after I read that notebook, hindi na siya nawala sa isip ko. Inistalk ko pa nga yung mga social media accounts niya after that day. Parang ako na tuloy yung matagal nang may crush sa kanya.
Gladly, she survived. Umalis sila ng Pilipinas para ipagamot siya sa ibang bansa kasi may nirecommend sa kanilang doctor. After that, dun na rin siya nag aral sa ibang bansa. She kept in touch with her friends pero hindi naman ako kasali sa circle nila. Mas may update pa ngang nababalitaan si Milan eh, ako, hanggang like lang sa Instagram niya. Naka private naman kasi yung Twitter niya and nahihiya akong mag follow request.
Paminsan minsan nakakasama ko sa gala yung ibang friends niya. Kaklase ko kasi sa college si Ven, chemical engineering. Hindi ko favorite ang chemistry pero parang nagka interest ako sa course na yun dahil din kay Lauren. It's funny how majority of my life decisions the past five years were greatly influenced by her.
Don't get me wrong, iniisip siguro ng iba na kaya ko lang siya nagustohan kasi nabasa ko yung diary niya na puro about sakin, well, maski ako nung una yun din ang naisip ko kaya ayokong aminin sa sarili ko tong feelings ko. Na explain ko na rin to kila Ven and sila mismo ang nagpaliwanag ng kaisipan ko about sa nararamdaman ko.
First year high school, late na akong nakapasok sa first day kasi hindi ko alam kung pano pumunta sa school. Pagdating ko, tapos na yung flag ceremony and sabi nung guard pumunta na daw sa mga respective rooms yung mga students. Syempre, hindi ko alam saan room ko, kahit nga section hindi ko alam eh.
Hindi ko na alam yung gagawin ko nang bigla akong kinalabit nung guard. "Sama ka sa kanya, first year ka diba? Oh, hanapin niyo na muna yung pangalan niyo dun sa board na yun tapos tignan niyo yung room number."
Napatingin ako sa katabi niyang babae. Mukha din siyang first year tapos mukha na siyang iiyak. Late din siguro siya.
Agad naming pinuntahan yung tinurong board saka hinanap yung mga pangalan namin. Medyo maliit siya kaya hindi niya ata mahanap yung pangalan niya.
"Nahanap ko na yung pangalan ko, ikaw? Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ko kasi makita eh. Pahanap naman ng Ignacio, Lauren." Tumango lang ako saka ko hinanap yung pangalan niya
"Ignacio, Lauren Erin ba? Ito oh, section 1 ka daw" sabi ko saka tinignan na rin yung room number niya.
"Sa room 102 ako, ikaw sa Shop A" sabi ko sa kanya
"Huh? San yung shop A? Bat hindi number?" Takang tanong niya.
Lumapit ulit ako dun sa guard saka tinanong kung saan yung Shop A. "Dun daw banda yung Shop A." Sabay turo ko sa direksyon na tinuro nung guard sakin.
Kita ko sa mukha niyang malapit na siyang mag panic. Bat ba kasi hindi na lang number yung room nila.
"Halika, samahan na kitang hanapin yung room mo"
"Sure ka? Mas lalo kang malalate" nag aalangang sabi niya.
"Late na lang din naman tayo" natatawang sabi ko. Natawa din siya saka kami naglakad na para hanapin yung room niya.
Pagdating namin dun sa Shop A ang ingay ng mga students sa loob. Wala kasing teacher. Patingin ko sa kanya, nahihiya siyang pumasok.
Kumatok ako sa room nila sakto namang may papalabas "Hi, section 1 kayo?" Tanong ko dito
"First year? Oo dito section 1. Section 1 kayo?" Tanong niya
"Siya lang, na late kasi kami" explain ko
"Ay buti na lang biglang may meeting daw. Pasok ka na, may bakante dun sa table na yun oh. Ikaw par? Hindi ka dito?" Tanong niya sakin
"Hindi eh, section 2 ako" sagot ko
"Ay, sayang. Milan nga pala, vote mo akong Adonis pag combined election ha" pakilala niya saka fist bump sakin bago siya umalis.
"Sige, alis na ako. Hanapin ko pa yung room namin" paalam ko dun sa kasama ko
"Thank you, ingat sa daan" natawa naman ako, san naman ako mag iingat? Sa students?
Umalis na ako para hanapin yung room ko.
Saka ko lang naalala na siya pala yun nung one time na nag kwentohan sila Reese habang nag gala kami sa plaza. Noong una hindi pa ako naniniwala pero pinakita sakin ni Milan yung class picture nila ng section 1 nung first year.
Nakwento pa sakin nila Reese na feel niya daw babagsak siya nung first year kaya malilipat siya ng section 2. Ayaw daw ni Lauren maiwan kaya binabagsak niya daw yung ibang quiz nila para malipat din siya. Sabi naman ni Milan na inaasar niya daw si Lauren dati na kaya siya bumabagsak kasi may crush lang daw si Lauren sa section 2 kaya gusto magpalipat.
Sadly, nung second year na kami, nalipat ako sa section 1 kung kelan nalipat sila sa section 2.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.TheUNNOTICED
~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
BINABASA MO ANG
The Lost Diary
RomansaWhat if you're the lead character in someone's diary? • Started (10.02.18) • Completed (06.13.19) • Posted as Twitter serye (08.17.19) • Revised (05.16.23)