ENTRY NO. 33

2.5K 49 0
                                    

ENTRY NO. 33

Dear SUNI,

Hinarang ako ng grupo ni Mira yung girlfriend mo. Sorry ha, nagseselos ata sya. Nakita nya kasi yung accidental kiss natin. Oo accident yun kasi sa cheeks lang naman talaga yung target ko. Dapat talaga di ko na ginawa yung dare eh. Pero ang weird ng taste mo no? I mean maganda si Mira pero ang trying hard nilang maging mean girls. May pa "right, girls?" Eme pa sila kanina, ano daw? Corny! Triny ko namang iexplain na accident lang yun tapos dare lang pero "I don't accept excuses from pathetic girls like you" daw. Luh, di ako pathetic no!

Hindi pathetic,
- LEI

Huh? Kelan ko naging girlfriend si Mira?

Agad kung hinanap si Mira at nakita ko naman sya agad.

"Mira" tawag ko dito. Ngumiti naman sya

"Bakit? May kailangan ka?" Tanung nya

"Naalala mo nung prom?" Tanung ko

"Ano meron nung prom?"

"May nakita ka bang babaeng naka blue na kasama ko?" Tanung ko

Nanlaki naman ang mata nya. "Wala naman bakit?" Mahinang sagot niya. Bat parang kinakabahan siya? So nakita niya nga kami nung gabing yun.

Hinawakan ko ung kamay nya. "Mira, sino yung babaeng yun? Kilala mo ba?" Tanung ko

"Sorry wala akong nakita" blankong sabi ni Mira saka umalis.

Shit, kinakabahan ako sino ba talaga yung babaeng yun? Bakit ganun ang reaksyon ni Mira nung tinanong ko siya?

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon