50

3.1K 62 6
                                    

"Tol samahan mo nga ako" aya sakin ni Dylan

"Saan?" Tanung ko

"Si Clydel kasi, nagtatampo sakin. Naingit, ito kasi!" Reklamo ni Dylan Kay Ven

"Bat ako? Kasalanan ko bang naingit si Clydel sa surpresa ko kay Erica?" Ven

Napailing na lang ako. Kahapon kasi ang anniversary nila Ven at Erica.

"Edi gayahin mo na lang din yung ginawa ni Ven, revise mo lang onti para di plagiarism" suggest ni Milan

"Eh kung gawin mo kaya yan kay Reese? Pabebe ka pa alam naman naming gusto mo siyang ligawan" asar ni Lhi

"Manahimik ka jan! Ikaw nga ayaw pa umamin na natotomboy ka kay Irah" banat pabalik ni Milan

Natawa naman ako, napapansin nga namin na parang umiiba na ang ihip ng hangin kay Lhi. Madalas din niyang ayain gumala ng solo si Irah. Ako na lang ata samin ang napagiwanan eh, buti kung third wheel lang eh hindi naman.

"Oh natahimik ka? May iniisip ka no! Tao ba to? Kilala ko?" Tanung ni Dylan

"Wala, ano na ulit plano mo?" Balik ko sa original topic namin

Kwinento na nga ni Dylan yung plano nya para sa surprise niya kay Clydel. Nandito na tuloy kami sa may plaza ngayon kasi dito yung plano niyang surprise. Kakanta daw siya sa may stage. Ako naman nandito sa may gilid kasi bibitawan ko daw tong balloon pag nag go signal na si Lhi. Si Ven at Milan naman sa kabila nakatoka sa pa confetti.

After ilang minutes na pag aantay, kita ko na papalapit na sila Reese, Ericka, Irah, at Clydel. Masaya silang nag kwekwentohan pero mas masaya siguro kung lima sila, kung nanjan ding naglalakad kasama nila si Lauren.

Kita ko sa gilid na nag go signal na si Lhi samin. Pagka kanta ni Dylan, napalingon agad si Clydel sa stage saka naman dumating yung go signal ko para bitawan yung mga balloons. Then yung pa confetti naman nila Ven.

Since weekend ngayon, medyo madaming tao kaya may mga curious na nakikinood na rin kung anong meron sa may stage.

After kumanta ni Dylan pinaakyat na nila Reese si Clydel sa stage para mag moment. After nila mag usap magka holding hands na silang bumaba at sumama samin.

"Uy! Libre na kayo kasi bati na kayo!" Asar namin sa kanilang dalawa

"Sige na nga! May bagong bukas na cafe dun na tayo" sagot ni Dylan. Mukhang prepared ang wallet niya ngayon.

Pagdating namin sa cafe may pa open stage pala sila. Pwede kang kumanta or tumugtog dun sa stage.

Reach for my hand
'Cause it's held out for you
My shoulders are small
But you can cry on them too

Everything changes
But one thing is true
Understand

We'll always be more than a band

Napatigil ako sa paglalakad papunta sa table na napili nila. Parang familiar yung boses ng kumakanta. Pagtingin ko sa stage andun si Lauren tumutugtog ng gitara at kumakanta. Nakatutok sakanya yung maliit na spot light. Parang nag slow mo yung paningin ko habang kumakanta siya to the point na tapos na pala yung performance niya.

"Uy ano? Jan ka na lang? Oorder na kami" tawag sakin ni Milan. Tumawa lang sila Reese

"Wait, hindi naman siguro ako namamalik mata diba? Si Lauren ba yung nasa stage?" Takang tanong ko sa mga kasama ko

Paglingon ko sa stage wala na dun si Lauren. Wait, so namamalikmata lang nga ako?

Umupo na ako sa may tabi ni Milan na hindi pa rin makapaniwala. "Par masarap daw yung kape nila dito. Ano gusto mo?" Tanong niya saka abot nung menu sakin.

Namili na ako ng iinumin ko kasi libre daw ni Dylan yung food kaya kkb na lang sa drinks.

"Uy sino tuka mag order ngayon? Libre ko food kaya out ako" sabi bigla ni Dylan

Kanya kanyang turo naman sila kung sino na ang tukang mag order. "Nananahimik tong katabi ko pero ang totoo siya talaga yung tuka today" banat ni Milan

"Bat ako? Parang ako nanaman nung last" takang tanong ko

"At kelan pa yang last mo? Last year? Sus! Tayo na jan!" Asar ni Reese sakin. Nagsi asaran na din yung iba kaya no choice na tumayo ako. Nagtitinginan na kasi yung ibang table samin nakakahiya.

Kinuha ko na yung mga order nila saka naglakad papuntang counter.

Pagdating ko ng counter walang tao. Luh, pano to? Tatayo lang ako dito hanggang bumalik yung kukuha ng order?

"Ay sorry, nagbigay lang ako ng order dun sa terrace. Mag oorder na kayo?" Napalingon ako sa likod ko dahil dun galing yung nagsalita.

There I saw Lauren. Pumikit pikit muna ako kasi baka namamalikmata nanaman ako pero hindi, si Lauren talaga yung nasa harap ko. Pati boses parehas. Hindi ko namalayan na lumapit na pala ako saka ko siya niyakap.

"SUNI?" Takang sabi niya.

Natawa naman ako "I'm glad you still remember that nickname"

"I mean Seb! Ay hindi, Uriah pala" nahihiyang sabi nya

"You can call me SUNI all you want. Basta I'll call you LEI too"

"Huh? Pano mo nalaman?" Takang tanung nya saka naman dumating sila Reese at Milan.

"Op, op, wait! Anong nangyayari dito? Sabi mag oorder ka bat mukhang iba naman order mo?" Singit ni Reese

"Ang speed mo naman par, pano na lang kung hindi si Lauren yan odi pahiya ka nangyayakap ng di mo kilala" asar ni Milan sakin

"So hindi nga ako namamalikmata kanina? Bat hindi mo sinabi na andito pala siya?" Tanong ko kay Milan. Sino ba kaibigan nito?

"Duh, odi hindi na surprise" reklamo ni Dylan na kadadating lang kasama yung iba

"Anong surprise?" Sabay na tanong namin ni Lauren.

"Yie sabay, meant to be!" Asar ni Irah. Pinigilan ko namang ngumiti. Parang kinikiliti yung sikmura ko.

"Mag order muna tayo saka mag kwentohan. Kasi ngayon, hindi lang ako yung mag lilibre! Libre na din daw ni Uriah yung ibang foods!" Aangal na sana ako pero lahat sila pasimpleng tinuturo si Lauren kaya wala na akong  choice kundi ilabas yung wallet ko.

Nag order na kami kay Lauren. "Hatid ko na lang mamaya yung orders niyo saka ako sali sa kwentohan" paalam niya. Gusto ko pa sana maiwan pero may dumating na lalaki. Barista ata nila

"Rence, ito order oh. Ikaw na sa ibang drinks start na ako sa food" sabi niya sa kasama niya.

"No, ikaw na sa drinks ako na lang sa food. You're too clumsy with the knife" sabi nung lalaki saka nakipag palitan ng pwesto kay Lauren. Is it just me or did he just hold her back delicately habang pinapalipat si Lauren ng pwesto

"Tara na dun, balak mo pa ata manood ng cooking show eh" aya sakin ni Milan. Wala na akong choice kundi sumama

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon