ENTRY NO. 34

2.6K 54 6
                                    

ENTRY NO. 34

Dear SUNI,

Im so sorry. Napahiya ako sa harap ng buong klase nyo. Sorry talaga. I don't know bat ako nag sosorry sayo. Wala lang. Nadedepress na ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam if may mukha pa akong maihaharap sa buong section niyo. Sobrang nakakahiya.

- LEI

Napahiya sya sa buong klase namin? Pilit kung inalala yung buong week after ng prom.

"Yow, ano yan? Ang aga aga problemado mukha mo" saktong dumating yung best friend kong si Milan.

"Patulong nga dito" sabi ko

"Ano yun?" Tanung nya

"Yung buong week after ng prom may kilala ka bang babaeng napahiya sa room?" Tanung ko

Mukhang nag isip naman sya "Ay meron. Yung taga section 2, bakit?" Sabi nya

So napahiya nga siya sa harap ng mga kaklase namin? Bat di ko alam?

"Sino? Anong pangalan nya. Ano nangyari nun? Bat hindi ko alam na may ganon palang nangyari sa room?" tanung ko

"Bro chill, para kang aantakihin sa puso eh. Ano ba yan?" Sabay tingin dun sa hawak kung notebook

"Diary nung nagkakagusto sakin at kinakabahan na ako. Tulongan mo naman ako" sabi ko

Tumango naman sya

"Anong nangyari nung time na yun"

"Ok, ganito yan, mga bago mag recess yung subject natin. Habang nagsusulat tayo sa math may dumaan na mga students."

Ah naalala ko na math namin tapos yun tapos wala si ma'am kaya nagkopya lang kami

"Tapos may mga babaeng nagtatawanan ang alam ko grupo ni Mira yun tapos mukhang may pinag tritripan silang babae" So si Mira nanaman?

"Then may tinulak silang babae paloob ng room natin. Putlang putla yung babae tapos mukhang hinang hina kaya natumbaba sya sa sahig" explain ni Milan

"Kilala mo ba yung babae? Anong pangalan nya?"

"Bakit? Siya ba yung may ari ng notebook na yan?" Tanung nya

Tumango naman ako. Bumuntong hininga naman sya.

"Si Lauren yun tol" mahinahong sabi nya

"Asan sya?" Tanung ko

Tumayo na si Milan. "Sorry, tol, di kita matutulongan jan. Kung gusto mo, try mo na lang yung mga kaibigan niya sa section 2" sabi nya saka umalis

Huh, anong nangyari dun?

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
This story is pure fiction.

TheUNNOTICED
~*~**~*~*~**~*~*~*~*~*~*~*~*~

The Lost DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon