"Kuya!"
Narinig ko na sa wakas ang dalawang sabay na boses ng kambal kong kapatid. Medyo nawala yung sakit ng katawan ko dahil sa pambubugbog sakin. Pinilit kong tumayo sa mahabang papag na hinihigaan ko para naman makita ko yung maaamo ngunit payat nilang mga mukha.
Mas naaawa ako sa kanila kaysa sa kalagayan ko ngayon. Parang pinagkaitan sila ng makakakain sa sobrang payat.
Bakit sila nagkaganon? Miski ako na kuya nila, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa mga kapatid ko. Nagpapabaya na ako masyado sa kanila. Dapat nakakakain sila ng maayos e. Hindi yung ganto na laging tipid sa pagkain.
Kasalanan ko to. Ayoko umiyak sa harapan nila, baka isipin pa nila bakla yung kuya nila.
Sabay nila akong nilapitan at sabay din nila akong tinanong kung bakit kulay ube na daw yung mukha ko.
Tinawanan ko na lang silang dalawa at ginulo ang madudungis na buhok nila.
"Wala to. Basta ang ibig sabihin nitong mga kulay violet na nakadrawing sa mukha ko e simbolo ng katapangan."
"Para ka bang si Juan dela cruz kuya?"
Natawa na naman ako sa tinanong ni Alfred. Kahit kelan talaga tong mga bata. Kung ano yung mapanood sa T.V napapakinabangan sa tunay na buhay.
"Hindi ako yun Al. Si juan dela cruz kasi hindi naman yun totoo. Ang kuya nyo totoo. Kaya huwag kayo maniwala dun, mas maniwala kayo sa powers ko."
Nakangiti kong pinaliwanag ang gusto kong iparating kay Alfred.
"Pero kuya si juan dela cruz may espada saka pana. Pati latigo saka shield saka...."
Napakamot ng ulo si Joshua habang iniisip niya pa yung kulang na isa. Nakakatuwa talaga sila.
"Yung sibat bungol! Kinakalimutan mo yun? E favorite ko nga yun e. Pwede sa malayuan!"
"Ampanget kaya nun."
Aba, sa harap ko pa nag-away. Inambangan na ni Alfred si Joshua. Tsss ang kulit talaga pag bata.
Hinawakan ko yung dalawa nilang ulo para hindi na magkagulo.
"Oy! Bawal ang ganyan dito. Umayos nga kayo, dahil lang dyan sa juan dela cruz sisirain niyo yung pagiging magkapatid niyo? Anong klase yan?"
"E kasi kuya si Alfred nanguna. Inambangan ako bigla. Wala naman akong ginagawa sa kanya."
"Huy! Tama na sabi e. Awat na Joshua. Magbati na kayo."
Hinawakan na ni Alfred ang kamay ng kakambal nya at nakipag-ayos. Hindi naman na lalaki yung gulong to kasi mga bata pa naman sila.
At pagkatapos nilang mag-ayos, tinanong ko sila pareho.
"San nga pala kayo galing?"
"Sa labas lang po."
"Sa may paradahan ng jeep."
Sabay silang nagsalita pero magka-iba sila ng sinabi. Ang galing talaga ng dalawang to.
"Magsabi nga kayo ng totoo. Sakin pa ba kayo magsisinungaling?"
Medyo tumaas na ang boses ko ng konti. Para matakot lang sila.
"Sa may paradahan po ng jeep."
"Sa labas lang po."
Talaga naman oh. Nagsalitan lang ng sinabi e. At nagtitigan pa ng masama. May tinatago talaga tong dalawa sakin e.
"Umayos nga kayong dalawa! Sinabi ko sa inyo magsabi kayo ng totoo. Bakit nagsisinungaling parin kayo sakin?!"
Sinigawan ko na talaga sila ng tuluyan. Hindi naman kasi aamin tong mga to pag hindi mo tinakot e. Mga bata talaga.
"Sa paradahan po ng jeep sa kanto"
At sa wakas nagsabay din sila.
"Magsasabi din pala kayo ng totoo e. Bakit pina-init nyo pa yung ulo ko?
"Kasi kuya ayaw ipaalam ni tatay na----"
Tinakpan ni Alfred ang bibig ni Joshua kaya hindi natuloy ang sinasabi nito. Kabastusan talaga oh.
"Na ano?"
"asfdj erty kfdaod"
"Pwede ba Alfred tanggalin mo nga yang kamay mo sa bibig ni Joshua?!"
Tinanggal naman agad nito yung kamay nya.
"Pinagtatrabaho po kami ni tatay sa paradahan ng jeep para manlimos o kaya sumampa sa jeep para kumanta."
Nahampas ko na lang yung noo ko. Bakit naman ganun? Sa lahat ng tao, si tatay pa. Ano ba namang klaseng ama ang magagawang pagtrabahuhin ang limang taon, biruin mo, limang taon lang yung mga kapatid ko tapos gagawin niya yun?!
![](https://img.wattpad.com/cover/8438245-288-k829594.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)
General FictionMandidiri at manginginig ka sa takot sa bawat bahagi ng kwentong babasahin mo, dahil sa mga halang na kaluluwang isa-isa mong makikita na nasa paligid mo lang pala. Ang kwento sa loob ng kwento na hindi mo gustong malaman.