ikasampu

114 6 5
                                    

Dedicated to DG (danniellagabuco) Salamat kasi binabasa mo pa din pala to. Ahahaha thank you :) Pamasko ko sayo. XD

May Bg music nga pala sa gilid, ganda kasi nung kanta. :D (wherever you go by ARTTM)

--------------------

Inalog ko ng konti si Lyn para magising. Nandito na kasi kami sa tapat ng bahay namin.

"Lyn gising ka na. Nandito na tayo oh."

"Hmmmmm, Five minutes pa please?"

"Balik ka naman sa pagkabata dyan eh. Gumising ka na, para makauwi ka na din. Gabi na kaya."

Umupo na siya ng maayos at kinusot ang isang mata para matauhan siguro. Ang ganda niya pa din kahit bagong gising.

"Ezekiel, can I sleep here?"

Literal na lumaki ang dalawang mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Siya? Gusto matulog dito? 

"A-ano?! Ayos ka lang ba? Baka dala lang ng antok yang mga pinagsasabi mo."

"But I'm serious, I want to spend the night with you."

Naguguluhan talaga ako sa mga pinagsasabi niya ngayon. 

Hinipo ko ang noo niya para tingnan kung may sakit ba siya pero inalis niya lang ang mga kamay ko.

"Ano ba Ezekiel, I'm not kidding okay?"

"Seryoso ka talaga? Pero wala kang matutulugan dito. Saka baka mag-alala Mama saka Papa mo pag hindi ka umuwi ngayon."

"Nakalimutan mo na ba na hindi na ako nakatira sa kanila ngayon? Remember when they gave me a condo?"

Oo nga pala, nakabukod na pala siya sa mga magulang niya. At mukha nga talagang seryoso siya na dito matulog ngayong gabi. Hindi naman sa umaangal ako dahil ayaw ko siyang makasama pero sobra-sobrang kahihiyan na ang aabutin ko sa kanya kung dito ko siya papatulugin. Saka wala na siyang pwesto nito sa bahay.

Hindi ko napigilang kamutin ang batok ko. 

"Ayaw mo ba? Okay, it's fine with me kung ayaw mo."

"Teka, kung alam mo lang kung gaano kita gustong makasama ngayong gabi pero kasi iniisip ko kung saan ka pa pwedeng pumwesto."

"Kahit saan naman okay lang eh. As long as katabi kita."

"Hindi ka naman kasi sanay matulog sa sahig. Hay."

"Well, I think it will be a fun new experience for me."

"Wag mo nga akong pagtripan Lyn."

"I already told you na hindi kita niloloko. So payag ka na ba? Na dito ako matulog?"

"Oo na, ang lakas mo talaga sakin. Haha."

"Yehey! I really do love you."

At bigla-bigla ay hinalikan niya ako sa labi. Dapat pala lagi ko siyang pinagbibigyan para lagi akong may prize.

"Tara baba na tayo."

Niyaya ko na siyang bumaba ng kotse. Pero pinauna na niya ako. Papauwiin daw kasi muna niya yung driver niya. Papasok na ako sa bahay at wala na akong naabutang gising sa mga miyembro ng pamilya ko. Pati ata sila napagod sa mga nangyari ngayong araw. Pumunta muna ako sa lamesa at tiningnan ko kung may natira pang pagkain para samin ni Lyn. Pero pang-isang tao na lang ang pagkain na nakita ko. Kay Lyn ko na lang to ibibigay. 

"Ezekiel papasok na ako ah. Ahm should I leave my shoes outside?"

Sinundo ko na siya sa may pintuan. 

"Wag mo na iwan yan sa labas. Baka pag gising natin sa umaga eh nadekwat na yan."

"Nadekwat?"

"Ibig ko sabihin, baka nanakaw na yan bukas kapag iniwan mo yan sa labas. Wag mo na hubarin yang sapatos mo, baka kasi madumihan pa yung paa mo. Tara pasok ka na."

Dinala ko na siya sa lamesa at binigay ko na yung kakainin niya.

"Pasensya na ah, itlog na maalat lang yung ulam. Kain ka na."

"Bakit isa lang yung pinggan? Hindi ka ba kakain?"

"Hindi na, ikaw na lang yung kumain niyan, baka kasi nagugutom ka na eh."

"Pero hindi ka pa din kumakain. We can share if you want?"

"Hindi na kasya sating dalawa yung kanin saka ulam. Baka hindi rin tayo mabusog kaya ikaw na lang kumain niyan."

"But..."

"Shh bat bat ka pa dyan, okay lang ako. Sanay naman akong hindi kumakain."

Ginulo ko yung buhok niya, ang kulit kasi eh. Ayaw talaga patalo.

"Hindi na lang din ako kakain if you will not eat."

"Lyn wag na matigas ulo, alam ko gutom ka na kaya kainin mo na yan."

"Ayaw!"

Pasaway talaga to. Wala na akong nagawa kundi pumayag na naman ulit sa gusto niya.

"Sige na kakain na ako."

"Hmp napipilitan ka lang ata dyan eh."

"Hindi po, tara na nga para makatulog na tayo."

Sabay kaming kumain at alam kong hindi siya nabusog, dahil ganun din ako. Hindi nga ata umabot sa lalamunan ko yung kinain naming dalawa. Pero mukha parin siyang masaya. Nakakamay nga din siya kanina habang kumakain. Hindi pa daw kasi niya natatry yun at nagpaturo pa siya sakin kung paano. Hindi ko pa din lubos maisip na nagustuhan ako ng babaeng to. Kanina pa ako nagseself pity pero wala eh, mahirap pala talaga pag yung kasintahan mo eh halos perpekto na.

"Ezekiel san tayo matutulog?"

"Hmm gusto mo dun ka na lang sa sofa. Medyo malambot naman yun kahit papano kaso nga lang hindi ka makakahiga ng diretso."

"Eh ikaw san ka?"

"Sa sahig."

"Tabi na lang din tayo sa sahig, please?"

"Kanina pa kita pinagbibigyan, ako naman pagbigyan mo ngayon. Dun ka na sa sofa."

"Okay, napaka-authoritative naman ng boyfriend ko."

Nakangiti ako sa kanya ngayon. Hindi ko mapigilang hindi humanga sa kanya. 

"Kuhaan lang kita ng unan ah."

"Yes sir!"

-----------------------

A/N:

Hanggang dito na lang po muna, pinag-iisipan ko kasi kung nararapat ba lagyan ng konting chukchakan ang mga susunod na chapter. Ahahaha normal lang naman kasi na gawin nila ang bagay na yun dahil matanda na rin naman sila at may relasyon naman silang dalawa. Wahaha pero hindi pa naman sigurado yun at kapag dumating naman sa ganung part wag kayo mag-alala irerestrict ko naman yung chapter. Yun lamang po :D Advance merry christmas. Pasensya na sa mahabang A/N (c) Pseudonigma

Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon