"Bakit naman kayo pumapayag? Ha? Alfred, joshua?! Anong kalokohan to?"
Medyo naghihisterikal na ako dito. Hindi pwedeng ganto, wala na ngang makain tong mga kapatid ko tapos pagtatrabahuhin pa ni tatay sa paradahan ng jeep para manlimos at kumanta? Kaya nga pinagbubutihan ko yung trabaho ko kasi ayokong maulit yung nangyari sakin nung bata pa ako tapos ganito din pala? Wala rin pa lang pinapatunguhan tong pagtitiis ko sa trabaho kung ganto rin lang pala yung buhay ng dalawa sa mga kapatid ko.
"Okay lang naman yun samin kuya e. Kasi sabi ni tatay nakakatulong daw kami."
"Tigilan mo nga ako Alfred. Hindi maganda yun kasi bata pa kayo. Dapat nga naglalaro lang kayo ngayon at nag-aaral, maling-mali to e."
"E kuya nakakapaglaro din naman kami dun sa paradahan ng jeep e. Kaya nga lang minsan kapag sumasampa kami sa ibang jeep, yung mga driver sinasabihan kami ng... ng ano nga ba yun Alfred?"
"Ang alin?"
"Yung sinasabi sa atin nung mga driver na galit? Nakalimutan ko kasi e."
"Ahhhh yung Gago! Ahahaha makakalimutin ka talaga Joshua. Buti pa ako naalala ko yun, mas matalino talaga ako sayo."
Lahat ata ng dugo ko sa katawan napunta sa ulo ko. Nahighblood na ako bigla. Lalo na ng sabihin ni Alfred yung Gago! Tang-ina na yan, magmumurahan na lang kami sa bahay pag nagkataon talaga na makita ko ngayon si tatay, Hindi na ako makakapagtimpi.
"Hoy! Alfred Bawiin mo nga yung sinabi mo!"
"A..ang alin po kuya?"
Natakot bigla, pano sinigawan ko na. Ayoko man ibuhos sa kanila yung galit ko kay tatay pero kailangan malaman nilang mali yung mga sinasabi nila. Hindi maganda yun. Limang taon na bata ba naman tapos mariringgan mo na nagsasabi ng gago. Buti nga lang at yun palang ang naririnig, pano na kaya kapag dumami pa.
""Yung sinabi mo kanina!"
"Hin-hindi ko na hmm po ma...matandaan."
Humihikbi na ngayon. Naaawa na ako sa kanila pero, hay kailangan silang madisiplina. Kung hindi kaya ng mga magulang ko na disiplinahin sila e ako na lang ang kusang gagawa.
"Yung gago! Bawiin mo yun! Hindi yun maganda Alfred. Mura yun, sinasabi yun ng mga driver kasi nagagalit sila sa inyo."
"E bakit sila pwede nilang sabihin yun kuya?"
"Kasi matanda na sila. Ikaw ba Joshua ilang taon ka na ha?"
"Payb po. Eh kuya ibig sabihin pag tumanda na ba kami pwede na namin yun sabihin?"
"Hindi pa din. Masama kasi yun."
"Eh bakit minsan kuya naririnig namin kayo nila tatay na nagsasabi ng ganun. Minsan nga iba yung sinasabi niyo e. Yung mahaba na salita. Hindi ko na maalala e. Basta parang put---"
Tinakpan na ni Alfred yung bibig ni Joshua. Buti naman at nakaramdam din tong Alfred na to.
"Shhhh Joshua mura nga yon e. Wag mo na sabihin. Magagalit lalo nyan si kuya sa atin e.
"Eh di hindi."
"Oy umayos nga kayo. Tandaan niyo to ah. Ayoko na maririnig niyong sinasabi yung mga salitang yun. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Opo kuya"
Sabay nilang sinabi yan. Buti naman at naintindihan nila ako. Wala na akong problema sa kanila. Si tatay na lang ang kakausapin ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/8438245-288-k829594.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)
General FictionMandidiri at manginginig ka sa takot sa bawat bahagi ng kwentong babasahin mo, dahil sa mga halang na kaluluwang isa-isa mong makikita na nasa paligid mo lang pala. Ang kwento sa loob ng kwento na hindi mo gustong malaman.