Dedicated po kay Chimee18 dahil natuwa ako sa pagboto mo, salamat ng marami. :D
Ngayon ko na po sisimulan ang sinasabi kong renovation ng storya. Lahat na po ng characters ay magiging bida at magkakaroon na po sila ng kanil-kanilang POV. Hindi ko na po kasi alam kung pano ko pa mapapakita ang problema ng bawat isa sa kanila sa pamamagitan lamang ng perspektib ni Essie.
Baka maging puro hinanakit na lang niya ang kalabasan ng kwento at mawalan na lang ng kwenta ang storya. Ang pinakamamalala pa na pwedeng mangyari ay ang plot twist na baka madala na lang sa mental si Ezekiel. Ayaw ko naman po yun mangyari, kaya magulo man ang kalabasan lalo na sa time line, pagpasensyahan niyo na po. Noob pa lang po kasi ko. Hahaha.
Nga po pala, sa bawat umpisa naman po ng chapter, nakalagay ang pangalan ng karakter na magPPOV. Para hindi po kayo masyadong malito.
---------------------------------------------------------------------
Joan
Alas onse ng gabi nang lumabas ako sa amin dala ang may kalakihang bag na lalagyan ko ng gamit. Kailangan ko kasi pumasok sa trabaho dahil pinatawag ako ng boss namin. Yung isa kasi sa mga kasamahan ko, hindi pumasok. Masakit daw ang katawan.
Bihira lang kung umalis ako ng bahay, on call lang kasi ako. Gusto nga sana ng boss namin na maging regular na ako sa kanya dahil ang dami ng customer na ako daw ang hanap. Kaso nga lang, sabi ko, ayoko na maging regular tong pagtatrabaho na ginagawa ko.
Sino ba namang gusto na habang buhay maging isang babae na nagbebenta ng laman. May pangarap ako sa buhay. Gusto ko maging isang successful na accountant. Gusto ko maging CPA. Pero dahil sa kahirapan sa buhay , matagal pa bago ko matupad ang pangarap ko. Kailangan ko muna mag-ipon ng pang-tuition. Kung tatanungin niyo ako kung masaya ba ako sa ginagawa ko, masasabi kong hindi. Pero sa isang mahirap na tulad ko na wala pang nararating sa buhay, sino ba naman ako para magpakachoosy pa, kaya eto ang kinabagsakan ko ngayon.
Alam ko namang may iba pang trabaho na pwede kong pasukan, yung mas marangal, yung mas malinis. Pero hindi ko alam kung bakit dito ako bumagsak. Siguro dahil na din sa isiping mas madali kumita sa gantong klase ng trabaho. Mas mapapabilis akong makapag-aral ulit. Hindi ka din masyadong pagod, dahil tatayo ka lang sa gilid ng kalsada at maya-maya may customer ka na pala nang hindi man lang namamalayan. Kailangan lang talaga galingan ang performance. Dahil kapag mas magaling, mas malaki ang tip.
Madalas akong pinapapwesto ng boss namin sa may sta. mesa. Medyo mahirap ang pinepwestuhan ko na yun dahil madami akong kakumpitensya. Dinadaan ko na lang sa ayos ng hitsura at pananamit para mas maging angat ako sa karamihan. Hindi ako nagsusuot ng mga damit na magmumukha akong prosti, kahit na yun naman talaga ang trabaho ko. Mas gusto ko kasi ang inosente-look para maisip nilang virgin pa ako. Dahil sa ganoong paraan mas gugustuhin nilang ako ang piliin. Sino ba namang lalaki ang ayaw ng sariwa o ng mukhang sariwa.
Dalawang lugar lang ang kinababagsakan ko kapag may customer na. Kapag medyo may kaya dun ako sa may sogo katabi ng sm sta. mesa, pero kapag puchu-puchu naman yung nakakadali sakin, dun lang kami sa may halina.
![](https://img.wattpad.com/cover/8438245-288-k829594.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)
Genel KurguMandidiri at manginginig ka sa takot sa bawat bahagi ng kwentong babasahin mo, dahil sa mga halang na kaluluwang isa-isa mong makikita na nasa paligid mo lang pala. Ang kwento sa loob ng kwento na hindi mo gustong malaman.