A/n: Tuwing miyerkules na po ang UD ko dito. At ipagdasal niyo na sana tuluy-tuloy. Yun lamang po at salamat sa suporta. xD
----------------------------------------------------------------------------
Hindi pa ako nakakalapit sa bahay nila Joel pero tanaw ko na siya, naka-upo sa labas ng bahay nila.
“Pre, musta buhay?”
Umapir muna ako sa kanya.
“Hindi ayos pre eh.”
“Pamilya na naman?”
“Oo, nadagdagan pa ni Lyn.”
“Bakit pre? Anong nangyari sa inyo ng girlfriend mo?”
“Nagtalo kami eh. Kasalanan ko rin naman.”
“Ano ba pinagtalunan niyo?”
“Naabutan ko kasi siya na bumili ng pagkain namin na kakasya na ata sa isang linggo.”
“Dahil lang dun pre? May hindi ka ba nagustuhan dun sa binili niyang pagkain kaya ka nagalit sa kanya?”
“Pare naman, nataasan ko siya ng boses kasi parang tingin ko kinaka-awaan niya ang pamilya ko.”
“Normal lang naman yun sa sitwasyon nyo ah.”
“Yun nga eh. Pero pare sa lahat ng tao, siya yung pinaka ayokong makaramdam nun samin.”
“Bawal na ba kayong kaawaan?”
“Hindi yun ang punto ko.”
“Alam ko pre, niloloko lang kita. Chill ka lang. Pero kung ako sayo pre wag mo kasing isipin na kaya ka tinulungan ni Lyn eh dahil naaawa lang siya sayo.”
Parang inulit lang niya yung sinabi sakin ni Lyn kanina.
“Hindi lang siguro talaga maiwasang hindi masaktan ang pride ko. Tapos yung gago ko pang tatay, tang-ina pre. Nagtutulak na naman. At ang malupit, sa kambal kong kapatid pinapa-abot yung bayad pati yung mga bato niya.”
“Sinong kambal? Yung bunso niyo? Si Alfred saka si Joshua?! Hibang na ba yang tatay mo pre?”
“Hindi ko nga napigilan na masuntok nung malaman ko agad eh.”
Napapailing na lang ako tuwing maaalala ko yun.
“Aba pre kung ako rin naman siguro nandyan sa lugar mo baka hindi lang suntok maibigay ko sa tatay ko. Kaso nga lang hindi ko na poproblemahin yung isang gago ko ring tatay dahil alam naman nating dalawa na hindi ko na siya naabutan.”
![](https://img.wattpad.com/cover/8438245-288-k829594.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)
Fiksi UmumMandidiri at manginginig ka sa takot sa bawat bahagi ng kwentong babasahin mo, dahil sa mga halang na kaluluwang isa-isa mong makikita na nasa paligid mo lang pala. Ang kwento sa loob ng kwento na hindi mo gustong malaman.