Yes

22 4 3
                                        

"Are you really sure about this, honey?" tanong ko sa kanya habang matiim siyang tinitignan.
Bumuntong hininga lang siya at pagod na tumingin sa akin.

"My answer is still the same, Frederick"

Frederick... She used to call me Fred...

"What if I say no, Diane? What will you do?" matigas na tanong ko sa kanya.

"Please.. Fred..." nagmamakaawang sagot niya.

"So Fred naman ngayon?" wala na akong pakielam kung mahimigan man niya ang pait sa aking boses.

Naiinis ako sa kanya! Hindi ko na alam kung ilang beses ko na bang pigilan ang sarili kong saktan siya gaya nang pananakit niya sakin dahil sa sobrang inis ko sa kanya. I want to struggle her but I can't. Masyado ko siyang mahal para gawin ang bagay na iyon. At hindi ko alam kung bakit hindi niya makita kung gaano ko siya kamahal para gawin niya sa akin ang mga ito.

"Please, Fred... Wag na nating patagalin 'to. Please?" kitang-kita ko ang pagsusumamo sa kanya. Napailing akong umayos ng upo. I also removed my eyeglasses and massaged the bridge of my nose.

"Why are you so excited? Ganun mo na ba kagustong mawala ako sa buhay mo? Ganun ba?" puno nang hinanakit kong tanong sa kanya nang magtama ang mga mata namin. Mabilis naman siyang umiwas nang tingin nang makita ko ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

Ilang minuto ko siyang tinitigan. Inaalala ang mga oras na magkasama kaming dalawa. I know we're both happy of what we have. We even made a promise that we will never leave each other sides. We used to exchange those three words.

Ngayon, hindi ko talaga maintindihan kung bakit lahat ng iyon ay naglaho ng parang bula. Hindi ko alam kung bakit parang kahapon lang nangyari ang lahat. I love her. I always do. And I hope that she loves me the way I do pero sa mga ginagawa niya ngayon sa akin. I don't know if we really shared the same intensity of love we promised to have.

Napabuntong hininga nalang ako sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Maybe, its time. Maybe its time to do my part...

"Will you be happy if I give you what you want?"

Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Nang tinitigan niya ako ay nagkaroon ako ng pagkakataon tignan ang kanyang mukha sa huling pagkakataon.

"Will... you... be happy?" mabagal na tanong ko sa kanya habang nakatitig sa kanya.

Dahan-dahan naman siyang tumango at maliwanag na sumagot.

"Yes..."

Marahan akong tumango sa naging sagot niya. Inilipat ko ang tingin ko sa bagay na nasa aking harapan.

"Okay" sagot ko at saka pinirmahan ang divorce paper na iniabot niya sa akin.


I don't want to end this but...

...for her happiness, I will even if it pains me.

These Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon