This is more than 1,000 words! Una yung Roses, then next this! Sorry. Baka baguhin ko na yung description nito. Hahaha! Anyway, sorry kung may wrong grammar man. Hehe.
---
"I-I like you..." mahina man ang pagkakasabi ko pero alam kong narinig nya ako.
Kitang-kita ko kung paano nalaglag ang panga sa sinabi ko. Okay. I can't blame her! Biglaan ba naman 'tong confession ko! Paano kase di ko na kaya! Pakiramdam ko sasabog na ko lalo't ang dami nang umaaligid na ibang mga lalaki sa kanya! Damn those jerks!
"H-hala ka be! Nabagok ka ba? A-ano ba yang sinasabi mo?!" nakita ko kung paano siya tarantang nagtanong sa akin. Napahawak ako sa batok ko. At nagpakawala ng isang awkward na tawa na saglit din namang nawala.
"D-di ako nabagok. Totoo to. I like you, Charm! I like you very much-- No, I think I love you." namumulang pag-amin ko sa kanya. Napaatras naman siya at iwinagayway ang mga kamay niya na tila nagsasabi mali ako.
"No... No... Hindi pwede, L. Hindi pwede yun! B-bawal yun diba?!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Umayos ako ng tayo at di ko napigilan ang sarili kong ismiran sya.
"Anong hindi pwede? At anong bawal? Tao naman ako! Pwede mo rin naman akong magustuhan!" frustrated na sagot ko sa kanya. Kitang-kita ko naman ang pagpula ng mga pisngi niya sa sinabi ko at kung paano siya nataranta uli. Umayos siya ng tayo at itinuro ako. She started saying things while stuttering.
"Oo tao nga tayo pareho p-pero! b-ba---"
"Bakla ako? And so what?!" Di ko na napigilang tarayan siya. Halos takasan sya ng dugo sa sinabi ko. What's the problem with a gay who loves a girl?! Lalaki parin naman ako! Lambutin. Medyo malandi. Maharot. Nagkacrush sa gwapong boys and pusong babae man ako na akala ko di na magbabago, lalaki parin ako!
"It's against the girl code!" she shouted hysterically.
Halos mapairap ako sa sigaw niya.
"Love have already conquered our girl code, baby" nakangising sabi ko sa kanya na lalong ikinapula niya.
I can remembered it clearly. Sabay kaming nagboy hunting non. Sabay din kaming nagharot at naglandi. Sabay kaming kinilig. Sabay kaming nagpakababae. And I don't fucking know what just happen with me. After she accidentally kissed me in my lips, something change. Parang may nabuhay sa akin na matagal nang nahihimlay. And this is it! That one magical word with four letters.
Lumingon ako kay Charm at kita ko how she composed herself. Hindi na gaanong kapula ang mukha nya kagaya kanina but her rosy cheek became more rosy. How beautiful!
Akala ko lang talaga nung unang beses na naramdaman ko yun, simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko siya. Well, as a gay, I envy how beautiful she is. Di lang maganda! Matalino, mabait at talented pa! No wonder, kung bakit maraming lalaki ang nagkakandarapa sa kanya. Lalo na nitong mga nakaraang araw na nagpainit ng dugo ko at nagbigay sakin ng pakiramdam na tila sasabog na. And look where this feeling led me...
Confession.
I've been secretly liking her for a year, and I never thought na mapapaamin ako sa kanya ng ganito kaaga. I want to blame those jerks pero a part of me is extremely happy kase finally nasabi ko na din sa kanya ang nararamdaman ko. Wala na akong kailangan itago at higit sa lahat, hindi ko na kailangang magpanggap sa kanya like I'm the old L who's a super gay.
"Look,Charm. Alam ko nagulat ki---"
"Well, I'm really fucking shocked right now" frustrated at halos nanlalaking mata pagputol niya sa akin.
BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Short Story"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie
