Hindi mapigilan ni Abby na manghina nang hindi na siya makapagsend ng friend request sa long time crush niya na si Jim.
"Sayang! Dapat noon pa talaga eh! Ugh!" sabay niya sa kawalan sabay sabunot sa sarili. Pabagsak siyang humiga sa kama niya.
Dati niya pa talaga ito dapat i-aadd sa Facebook kaso nga lang, nag-aalangan siya. Nag-aalangan siya hindi dahil nahihiya siya kundi dahil ayaw niya sana na siya ang magfirst move.
Kahit pa 21st century na, pangako niya sa sarili niya lalo higit sa mga magulang niya na never siyang magfifirst move sa isang lalaki. Gusto niya sana, si Jim mismo ang mag-aadd sa kaniya kaso ang problema? Hindi siya kilala nito.
Third year college na si Abby sa kursong Business Administration samantalang fifth year college naman si Jim sa kursong Industrial Engineering.
Nakilala niya ito acquaintance party ng University nila nung first year college palang siya. Kilala na noon si Jim lalo na sa mga babae. Bukod kase sa angking kagwapuhan nito, matalino, mabait at talented din ito. Varsity player pa ito ng basketball team ng University nila kaya naman mas lalo itong naging popular sa school nila.
Napabalikwas si Abby nang maalala niya ang sinabi ng kaklase niya na active na daw uli ang Instagram account ni Jim.
Madali siyang naglog-in sa Instagram at ni-search ang @jim_uy sa search box. Mabilis na lumabas ang username list na halos kapareho ng hinahanap niya. Nang makita niya ang picture ni Jim ay kaagad niya itong ni-click.
"Thanks God!" nakahinga siya ng maluwag nang makita niya na nakapublic ito. Mayroon na itong 106 posts, 5.1k followers and 99 following.
"Naks! Famous talaga!" nangingiting sabi niya habang tinitignan ang mga followers nito. Nakita niya din ang ibang IG account ng mga kaklase niya maging yung maldita niyang pinsan ay nakafollow din dito! Napaismid naman siya nang maalala niya kung paano ipinagmayabang ng pinsan nyang si Millet ang ginawang pagliked ni Jim sa picture nito sa IG.
"Buti ako, na-like niya yung picture ko sa IG. Eh ikaw? Ay. Di ka nga nya pala kilala! Hahaha!"
"Sus! As if naman nagandahan siya sa picture mo! For sure, nalike niya yon accidentally!" gusto niya sanang sabihin dito ngunit hindi na niya tinuloy at baka mag-away lang silang dalwa. Ayaw na ayaw niya pa naman ng gulo. Hindi tulad nito na masyadong barumbado.
Sinimulan na ni Abby na tignan ang mga pictures ni Jim. Ngayon niya lang ulit nastalk ang IG nito matapos itong maging inactive for one month. May mga bagong pictures ito na halos kapopost lang. Wala naman itong concept sa account niya. Random pictures ang nakapost dito. Kung hindi selfie nito, ay pictures ng aso niyang si Tip, sapatos, pagkain, basketball at mga lugar na pinupuntahan nito.
Tinignan niya ang lahat ng post nito hanggang sa mapunta siya kauna-unahang post nito 186 weeks ago. Bumulanghit siya ng tawa nang makita niya ang picture nito.
"Uy boldstar!"tawang-tawa sabi niya sa harap ng cellphone niya.
Hubad na baby picture ito ni Jim na nakatayo habang may kagat-kagat na teddy bear at pulang-pula ang mata na parang kakagaling lang sa iyak. Halatang pinicturan lang ito at nilagyan ng cute lion sticker. May caption din ito na Raaaawr~! with matching tongue and lion emoji.
Hindi niya mapigilan ang sariling i-like ang picture nito. Nagawa niya pang i-screenshot ito, i-crop at gawin pang wallpaper.
Call her pervert pero sadyang natuwa lang talaga siya sa picture nito. Well, the little Jim is really adorable! Yung tipong gusto niya nang iuwi pero dahil hindi niya naman ito magagawa, ginawa niya nalang itong wallpaper.
Nakangiting nakatitig lang sya baby face nito nang biglang tumunog ang cellphone niya. Napansin niya ang icon ng IG sa notification bar. Pag-swipe niya pababa ay halos lumawa ang mata niya sa nakalagay dito.
@jim_uy started following you
Ilang sandali pa ang lumipas bago nag-sink in sa kaniya ang nangyayari. Nang magsink in na ito sa kanya ay mabilis siya umirit sa kilig. Nanginginig na pinindot niya notification from her IG. Kitang-kita niya ulit ang notification sa mismong account niya na ni-follow nga siya ni Jim. Wala sa sariling ni-follow back ito.
Nagpagulong-gulong siya sa kama niya. Nagtakip din siya ng unan para umiirit muli. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang siya marinig niya ulit notification tone ng cellphone.
Madaling tinignan ang cellphone niya at abot-abot ang kaba niya nang makita ang pulang bilog sa messages niya.Umakyat na yata ang lahat ng dugo sa mukha niya nang buksan at makita niya kung kanino galing ang message na ipinadala sa kanya.
@jim_uy: Hi Abegail! Thank you nga pala for following me back. :) Also for liking my baby picture! Hahaha! Nahiya ako bigla nung nakita ko yung notification from you. Hehe! Anyway, see you soon! Take care! <3

BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Historia Corta"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie