I was reading my notes for our reporting today when someone called me.
"Hannah"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at halos ngumiti ako ng pagkalapad-lapad sa nakita ko. It's King! My crush and luckily, our group leader sa reporting. I tried to hide my flirt side and asked him why.
"Tayo na." sagot niya na nagpalaki ng aking mga tenga. Halos mangisay naman ako sa kilig kahit alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
"Tayo... na?" dahan-dahan na tanong ko sa kanya.
"Yupp. Tayo na" sagot niya nang hindi napapansin ang pagbibiro sa tanong ko.
Nanliit ang mata ko sa kanya at bahagyang ngumiti. Inulit ko ulit ang tanong ko sa kanya.
"So... Tayo na nga?"
Kumunot ang noo niya sa tanong. Tumayo siya at dahan-dahang tumango.
"Oo nga. Tayo na"
Mas lumapad ang ngiti ko sa naging sagot niya. Nakita kong nanunuod ang mga kaklase ko sa amin. Ngiting-ngiti na ang lahat samantalang siya ay wala paring kaalam-alam. Tumayo na din ako at inayos ang sarili.
"Talaga? So tayo na nga?"
Tanong ko ulit na siyang nagpaingay sa klase. Kumunot lalo ang noo nya at sumagot sa akin.
"Oo nga ta---" hindi niya na natapos ang sasabihin nang marealize niya kung bakit paulit-ulit ang tanong ko pati ang biglang ingay at tuksuhan ng buong klase.
"So... tayo... na?" nakangiting tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya ang huling tanong ko at nakangiting napailing.
"Halika na. Magrereport na tayo" sabi niya sabay abot sa akin ng flash drive.
Now, I'm totally inspired!

BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Conto"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie