"Trey!"
Biglang napatayo sa kinauupuang bench si Trey nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Mara.
Halos mapatid ang hininga niya nang makita niya itong papalapit sa kanya habang nakangiti.
"Shit! Ang ganda niya talaga!" sabi niya sa sarili nya habang nakatitig sa papalapit na kaibigan.
Kitang-kita niya gamit ang dalawa niyang mata na dapat apat (dahil sa salamin niya) kung paano nagsslow-mo ang bawat galaw nito habang papalapit sa kanya maging ang mga ngiti nito sa kanyang mga labi na mas nagpapaganda pa sa maamo niyang mukha.
Ang mahaba at shiny na buhok niya na tahimik na sumasayaw sa hangin. Ang lahat ay nasa slow-mo. Siguro nga tama yung napanuod niya dati na pelikula na masasabi mong mahal mo ang isang tao pag ang buong paligid kasama siya ay nasa isang slow-mo.
"Hoy! Anong itinutulala mo dyan?!"
Nabalik lang siya sa sarili nung nasa harap niya na mismo ito. Trey quickly composed himself and act normal towards Mara. Ganito naman lagi ang ginagawa niya, para hindi halata.
"Ah wala! Iniisip ko lang kasi yung..." kung paano kaya kung maging tayo. Ay shit! Erase! Erase!
"...papanuorin nating movie mamaya sa SM Cinema, kung maganda" Ang laki mong palusot Treynold!
"Ah! Ano kaba! Syempre maganda yun! Diba nanuod muna tayo ng mga trailer ng mga bagong movie sa Youtube? At itong Allegiant ang maganda! Sinubaybayan nga naten to diba? Simula palang sa Divergent! May libro ka nga nung mga yun eh!" ani Mara
"K-Kaso kasi diba? Ang daming nawawala sa book pag ginawang movie na? Meron pang ibang scene na naiiba!" Sige Trey, sipagan mo pa ang pag papalusot mo.
"Sus! Nerd ka talaga! Okay lang yun! At least , nagkaroon ng movie adaptation, at least kahit papano, makikita mo na yung mga nasa imaginations mo lang dati kahit hindi yun yung exact scene o kung anuman. Matuto ka nalang magpasalamat!" sabi niya sabay tapik sa balikat ni Trey.
Biglang napahawak si Trey sa balikat kung saan siya tinapik ni Mara. Parang kabayo naman na humaharentado ang puso niya.
Kulang na nga lang ay mapahawak siya dito nang mahigpit dahil pakiramdam niya ay lalabas ang puso niya na nasa loob ng dibdib niya.Ano ba ito? Habang tumatagal, palala nang palala yung feelings ko. Parang tanga lang. Nakakabakla pala. Treynold thought.
"Oh? Bouquet of Roses? Kanino galing? Sa manliligaw mo?" natatawang tanong ni Mara na kaagad na nagpalingon kay Trey.
Shit! Hawak na niya yung bouquet!? Anong gagawin ko?!
Isip! Isip! Ah!"U-uy grabe! Hindi akin yan. May nagpapabigay lang sakin.." palusot na naman ni Trey na siyang nagpakunot noo kay Mara.
"Nagpapabigay? Sino? At kanino?"
BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Krótkie Opowiadania"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie