"Mahal na mahal kita..."
Matamis na sabi mo sa akin matapos mo akong hagkan. Napangiti ako. Mahigpit kitang niyakap at dinama ang pagtibok ng puso mo.
"Mahal na mahal din kita..."
Ramdam ko pag ngiti mo kasabay nito ang pagdampi ng mga labi mo sa aking ulo.
Mabilis na tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ko ang pananatili ng iyong halik.
Halik na sa huling pagkakataon ay aking nakamit. Halik na iniwan mo sa akin bago pa man ikaw ay umalis. Halik na alam kong hindi mapapalitan ninuman.
Masakit man ay muli kong sinulyapan ang puting kahon kung saan ikaw ay nakahimlay.
Paalam, Mahal...
Mahal na mahal kita.
![](https://img.wattpad.com/cover/66071463-288-k522439.jpg)
BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Cerita Pendek"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie