Ngiti

15 2 2
                                        

Tahimik lang akong naglalakad nang bigla kitang makita.

Napatigil ako ilang metro sa harap mo ngunit hindi mo ako napansin.

Masyado ka kaseng nawiwili sa kausap mo sa iyong telepono.
Kitang-kita ko kung paano ka ngumiti, tumawa. Ni hindi ko na ngang napigilang mahawa sa mga ngiti mong napakaganda.

Tahimik lang kitang pinagmamasdan. Hanggang sa mapatingin ka sa akin. Sa wakas! Nakita mo rin ako.

Ngunit kasabay nang pagtama ng mga mata mo sa akin ay siyang dahan-dahang pagkawala ng iyong mga ngiti. Tila natigilan ka at hindi mo ko inaasahang makita.

Ilang sandali.

Ilang sandali pa ang nagdaan bago natin putulin ang tinginan sa isa't-isa.

Ilang sandali.

Ilang sandali na may naglakas loob sa atin gumawa ng isang bagay na tuluyang magpapatigil sa ating dalawa.

Isang ngiti na hindi lang nagtagal sa isang sandali.

Isang ngiti na alam kong magwawakas sa lahat.

Isang ngiti na alam kong gagamot sa lahat ng panghihinayang.

Isang ngiti na alam kong magiging daan upang mapanatag ang ating kalooban.

Isang ngiti na una'y galing sayo at sa huli'y, sa akin.

These Lines Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon