Tahimik lang akong nanunuod ng balita sa telebisyon ng aming tinitirahan nang magtanong ang aking nakakabatang kapatid na si Daya.
"Ate... may babalikan pa ba tayong bahay pag umuwi na tayo?"
Nilingon ko siya at nakita ang inosenteng mga mata na nag-aabang sa aking isasagot. Dahan-dahan akong ngumiti at inilagay ko ang aking kanang kamay sa itaas ng kanyang ulo at hinaplos ang kanyang mahaba at makintab na itim na buhok.
"Oo naman..."
Matapos akong sumagot ay nilingon nya ang telebisyon. Nakita ko kung paano lumungkot ang kanyang mga mata habang pinapanuod ang balita tungkol sa patuloy na pagbomba ng mga militar sa aming lugar dahil sa walang tigil na pagsalakay ng mga terorista na hanggang ngayo'y patuloy na nananatili sa aming bayan.
Muli siyang tumingin sa akin gamit ang mga matang unti-unting nabubuo ang mga luha.
"Sana matapos na ang lahat... Sana matigil na ang lahat ng mga ito, Ate..." sabi niya na punong-puno ng pag-asa.
Ngumiti ako kahit nanggigilid na rin ang mga luha. Niyakap ko siya at muling hinaplos muli ang kanyang buhok.

BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Conto"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie