Nakatitig lang ako sa kisame ng aking kwarto habang bumubuhos ang luha sa aking magkabilang pisngi. Wala ni isang tunog ng hikbi ang humagalpas sa aking bibig.
Tahimik.
Tahimik akong umiiyak habang inaalala ang mga salita at maging mga pangyayaring unti-unting dumurog sa akin.
Inabot ng aking mga kamay ang aking mukha at dahan-dahang pinunasan ang mga basang pisngi. Ibinaling ko ang aking tingin sa mga litrato maging sa puting papel at panulat na nasa maliit na lamesa.
Unti-unting nabuo ang munting ngiti sa aking maliit at mapulang labi. Muli akong tumingala kasabay ang pagtakas ng luha sa aking kanang mata. Pumikit ako at hinayaang mangibabaw ang mga salitang aking iniwan.
Hanggang sa muli.
Kasabay nang pagbigkas ko ng mga salitang ito ang paglisan ko sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
These Lines Between Us
Short Story"Sometimes, the best way to understand everything are in these lines between us" Former, Collectanea (Short Story Compilation) Photo from Pinterest.com Book Cover Design by: alyhella_ellie
