C7- tattoos

307 15 14
                                    


C7 - tattoos

MARCELINE

Huminto kami ni hime sa talon kung saan nahahati ang mundo ng tao at mundo ng mga enkanto. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam at nais nya munang maligo sa talon at para narin makapagpahinga kami.

Katulad ng ginawa ko kanina, sinugurado kong ligtas ang paligid bago hayaan ang prinsesa sa nais niyang gawin. Ilang minuto pa ay nakahabol na samin si Chapu.

Maganda ang paligid ng talon, at dahil sa lubog na ang araw, tanging kabilugan na lamang ng buwan at ilaw na nanggagaling sa mga alitaptap ang nagsisilbing liwanag namin dito. Nakakamangha ang lugar sa totoo lang. Ang talon na may medyo kataasan, ang tubig na pumapatak mula sa itaas patungo sa ibaba. Sobrang linaw nito na nakikita dito ang repleksyon ng buwan at mga alitaptap. Mas lalong nagpaganda sa lugar ay ang prinsesang nagtatanggal na ng kanyang saplot sa bandang gilid ng naturang tubig.

'ehem.' bahadyang napahinghap ako sa aking nakita.

Natanggal na ng prinsesa ang kanyang saplot, nakatalikod ito sa aking gawi kaya naman kita ko ang hubog ng kanyang katawan. Nararamdaman kong nag iinit na yung mukha ko kaya naman iiiwas ko sana ng tingin ang aking mga mata ng bigla nitong makita ang tila liwanag sa likod ng prinsesa.

Nagsimulang tumubog ang prinsesa sa tubig, hindi ko maalis ang aking tingin sa kanyang likod. Ito'y tila parang mga marka ang nakapalibot sa kanyang likudan. Nagsisimula ito sa bandang paypay ng kanyang balikat, magkabila at lumiliwanag ang mga ito. hindi ito masyadong malinaw pero nakikita ko. may mga marka na nagsisimula din sa medyo ibabang bahagi ng kanyang likod at nakapulupot patungo sa kanang binti nito.

Tuluyan ng nakatubog ang prinsesa sa tubig. Hindi ko mawari ang aking nakita.

'Ano iyon?' ang tanging naitanong ko nalang sa aking sarili.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa iba. Naghanap ng pagkain sa dalang gamit ng prinsesa. Nakahanap ako ng  tela na maaring higaan muna namin ngayong gabi. Delikado na ang lumiban sa kabilang mundo kapag ganitong madilim na. Mas maganda pa ay dito nalang muna kami magpalipas ng gabi.

Abala ako sa aking ginagawa ng mapansin kong paahon na ang prinsesa.
Kumuha ako ng aking damit saka lumapit sa kanya.

" Hime? Ayos ka na ba? " pinasuot ko sa kanya ang dala kong damit, kinapa ang maliit na tela sa aking bulsa (nadala ko ng hindi sinasadya kanina) para tuyuin ang buhok ni hime.

" Medyo maayos na ang pakiramdam ko Marceline."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito saka nilapat ang noo ko sa kanyang noo. Pinakikiramdman kung talagang nagsasabi ng totoo ang prinsesa.

Napansin kong bahagyang namula ang mga mata ni Hi e at matiim na nakatingin sa mga mata ko. Hindi na mainit ang kanyang pisngi. ibinaba ko yung mga palad ko para damahin ang mga braso nya, balik na sa dati ang kanyang temperatura.

Ngumiti nalamang ako sa prinsesa saka lumayo sa kanya at iginiya sya kung saan kami maaaring magpahinga.

" Okay na ako diba? Hindi na ako naiinitan. Sabi ko sayo ligo lang kelangan nito eh." tumatawang sabi nya.

Sumipol ako upang palapitin si chapu at pakainin ito. Iniabot ko sa prinsesa ang prutas na nakita ko sa mga gamit nya.

' puro prutas lang ata yung dala nya ' napa tampal nalang ako sa aking noo.'

" Hime. Dito na muna tayo magpalipas ng gabi, masyadong delikado kapag lumiban tayo ng ganitong oras" sabi ko sa kanya ng makakain ng hapunan.

Nakahiga sa Chapu malapit sa medyo may kalakihang puno, dun humiga ang prinsesa para makatulog na.

" Sige na Hime. Matulog ka na. Ako ng bahala dito "

" Paano ka? Matutulog ka ba?"

" Wag ka mag alala Hime, hindi ko kelangan ng tulog. andito lang ako, magbabantay sayo"

Nginitian ko ito saka hinalikan sa noo. Nakita ko ang maliit na ngiti sa labi ng Prinsesa bago nito ipalibot ang bisig sa akin.

________

Inayos ko na ang aming mga gamit bago pa man magliwanag. Kelangan namin makaalis dito ng maaga, medyo nanghihina na din ako.

Nang maiayos ko ang mga gamit namin, sinubukan kong gisingin ang prinsesa subalit ang himbing ng pagkakatulog nito.

" hime? wake up. We need to go now. " Hinawakan ko ang pisngi nito.

"Hime?" pinisil pisil pero ayaw parin nyang magmulat.

" Hime? Why arent you waking up? Hime?! " Medyo nagpapanic na ako kasi ayaw nya talagang magising.

" Chapu, we need to go now. Carry these bags" sabi ko sa kanya saka naman nya kinagat yung bag na dala namin.

Iginaya ko ang prinsesa sa aking likudan. Kelangan na namin makaalis dito.

Dalidali akong pumunta sa gilid ng talon, at naglakad na pumasok dito. may cave sa likod ng tubig ng talon. Isang madilim na lugar lamang ito para sa ksang pangkaraniwang tao pero ito ang gate patungo sa ibang mundo.

Sa mundo ng mga enkanto.

" ανοίξει την πύλη προς την άλλη σφαίρα "

pagkasabi ko ng mga katagang ito, nagbukas ang daan sa aming mundo.

" Morya City" sabi ko sa sarili ko.

Dito, hindi momkelangan itago ang pagiging kakaiba mo, sapagkat lahat ng naninirahan dito ay kakaiba.

Malayo pa ang kelangan naming lakbayin. hindi ito madali. aabutin kami ng mga ilang linggo bago makarating sa sentro nito.

Adventure with a Vampire Princess (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon