Visitors

33 0 1
                                    

"rampa! parang ganito" nag
lakad siya papalapit saakin tapos nag pose ng nag pose "pak, pak pak ganern.... ganern ang gawin mo pag nag rampa kana sa ten, teh" payo saakin ni jr sa maarteng tono. andito kasi kaming dalawa sa kwarto ko tuturuan niya raw ako kung paano ang tamang pag rampa kapag nasa stage kana. kaya ito kami ngayon paulit ulit na nag papractice sa pag rampa with matching high heels na para daw mas masanay pa ako.

"bilis na teh! ulitin mo ulit 'yung pag rampa mo. sasabayan kita kunware nasa ramp model tayo.. charr! " natatawa niyang pinalo ng mahina ang balikat ko.

"masakit na nga ang paa ko jr, kanina pa kaya tayo practice ng practice" reklamo ko. simula kasi ng naka uwi ako galing sa hospital ay pinuntahan niya na ako dito sa kwarto ko kasi nga raw tuturuan niya akong mag rapa ng maayos. although may alam narin naman ako kung paano kasi remember ate denise? yung baklang nag turo saakin nung last year? siya na kasi ang kinuha ni mommy na mag mi-make up saakin para sa pageant kaya halos araw araw ay andito rin siya para turuan ako.

close na nga sila ni john ric eh, pano naman kasi mag
ka-pederasyon ang dalawa.

"hoy ate! ano nanamang iniisip mo diyan? sabi ko tumayo ka na diyan at mag insayo ulit. come on bamunos everybody let's go!" pagkanta niya pa sa team song ni dora the explorer.
wala na akong nagawa kaya tumayo na ako tsaka nag lakad patungo sa may walk in closet ko kung nasaan naka tayo si john ric.

pumwesto ako sa katabi niya nakipantay rin ako sakaniya.

"okey ready?" tanong niya saakin. tumango ako. "hands on your shoulder" utos niya saakin kaya kunot noo akong tumingin sakaniya. "chenes lang iyon teh ano ba! hands on your waist... one, two, three, rampa!!" kumando niya. nag lakad kami na parang model patungo sa may kama ko na parang nasa isang fasion show talaga kaming dalawa. pagka rating namin sa may kama ay sabay kami nag pose, tapos nag lakad pakaliwa then pose again, after that nag lakad ulit kami sa kanan then pose ulit, then ikot then pose at nag lakad muli pabalik sa walk in closet ko. ganun lang, pabalik balik naming ginawa ni john ric.

"ayan! bongga! ang perfect ng lakad mo teh! para ka ng isa sa mga model ng damit ni vicki belo teh, braboooo!" pumapalakpak na komento niya saakin. napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi niya. model ni vicki belo?

"hindi ako na iform bakla, designer na pala si Dr.Vicky belo??" sarkastikong tanong ko sakaniya. hunghang talaga ang kapatid kong 'to..

"ayy oo teh! puro ka kasi music, hindi mo ba nabalitaan iyon?? manuod ka naman ng balita sa radyo paminsan minsan teh! para may alam ka" asik niya saakin. pero hindi parin ako maka paniwala! is it true? ang alam ko ay isa siyang doctor ngayon pala ay designer narin siya ng mga damit??

tska anong manuod ng balita sa radio? ay nako kalokohan na ata 'to.

"eh john ric paano na ang pagiging dermatologist niya? sayang naman kung hindi niya na ipag papatuloy" nang hihinayang na sabi ko. sikat pa naman siya sa pagiging dermatologist. sayang ang pinag aralan niya ng ilang taon para doon.

"edi ayon, ipapasa niya muna kay hayden kho, nang may magawa naman sa buhay. hindi iyong nakikipag talik kong kani-kanino....jusko! sayang siya ang guwapong fafa pa naman" mas lalo akong naguluhan sa mga pinag sasabi niya. seriously, hindi naman puwedeng ipasa iyong pagiging dermatologist sa taong hindi naman nag aral ng gano'ng kurso hindi ba? kung ganon paano niya iyon ipapasa kay hayden kho kasi naging designer na siya??ugghh! ang sakit sa ulo teh!

"ughh! honestly ang gulo gulo ng sinabi mo john ric, hindi ko alam kong naniniwala ba ako o hindi eh!" reklamo ko sakaniya ginulo ko pa ang buhok ko dahil sa pagkalito.

Everything Has Changed (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon