@San samuel (part two)

29 0 1
                                    

*Asha's POV*

"bakla! ang gwapo niya talaga"

"oo nga mga bakla ano kayang pangalan niya?"

"ang hawt ng fafa yummmmmy!"

"mukhang may girlfriend na ata eh?" rinig kung bulungan ng mga baklang nasa may gilid ni kuya aljohn. sinipat ko sila nang tingin at sakto naka tingin sila kay kuya ko.

haahaha. si kuya pala talaga ang pinag uusapn nila. si kuya naman patay malisya lang busy kapapanuod ng show sa stage. nag start na kasi ang event ng barangay.

"the beki queen" ang title ng patimpalak nila. parang pageant din siya pero mga bakla nga lang ang kasali, naka tawa nga eh kasi naging comedy ang pageant.

naka kuha rin kami ng upuan, nasa may malapit nga kami ng stage naka upo kasi dito raw uupo ang mga contestants para sa singing contest, kaso nga lang ay naka halo narin kami sa ibang manunuod.

abala ako sa panunuod nang tumunog ang cellphone ni ellaine. "h-hello ate bakit?" hindi namin naririnig ang sinasabi sa kabilang linya dahil hindi naman naka loud speaker ang call. kaya ibinalik ko nalang ang panunuod sa mga bakla na ngayon ay nag question and answer portion na.

"ha? ano? ate saan naman tayo kukuha nang ganyang kalaking pera?" mabilis akong lumingin kay ellaine ng marinig ko ang sinabi niya. what's happening to her family?

"s-ige ate, after nang contest pupunta na ako diyan.. text mo saakin ang address ng hospital ha..o-okey" tska niya na binaba ang tawag, bakas sa mukha niya ang pag aalala. naka tulala lang siya kung saan.
nag aalala ako para sa kainigan namin. T.T

"laine, what's happening?? may probelama ba sa family nyo?" malumanay na tanong ni ate mich sakanya.

tinignan lang siya sandali ni ellaine, bumuhos ang kanyang mga luha at mabilis naman siyang inalo ni ate mich at gaile.
"anong nang yayari? try to spill it ellaine, baka makatulong kami" ulit ni ate mich.

"m-manager" garalgal na tawag niya kay ate mich, patuloy parin kasi ang iyak "inatake nang sakit sa puso si papa at dinala siya ngayon sa hospital, a-ang sabi ni ate ella ay kailangang i-confine si papa eh wala kaming sapat na pera para mai-confine siya" patuloy nanaman siya sa pag hagulgol.

natutop ko lang ang bibig ko dahil sa mga sinabi ni ellaine. nasa hospital ang papa niya. kawawa naman si tito elmo. :((

"h-hndi ko alam k-kung saan k-kami kukuha nang p-perang pang gastos para sa hospital ni tatay" sambit niya muli, hindi parin siya natigil sa pag iyak.

"ssh! ellaine, don't worry we will help you" pag aalo naman sakanya ni gaile. "i have money in may account, i'll give it to you for your father" dagdag pa niya.

"mag bibigay din ako ellaine" dugtong ko rin. i want to help them.

"me too. i'll help" -taas kamay na sabi ni kuya. ngumiti ako sakanya.

"ako wala akong maibibigay na tulong, pero kung sakaling manalo tayo rito sa contest, yung parte ko ay ibibigay ko nalang kay ellaine para kay tito elmo" naka ngiting sabi naman ni chelsea. ^____^

"s-salamat guys ha! maraming salamat, ayoko sanang tanggapin ang tulong niyo kaso wala talaga akong mapag kukunan nang pera eh..maraming salamat" humagulgol nanaman siya..

"ano ka ba, tama na nga yang drama mo ellaine, mamaya maya pa ay mag start na ang contest, sa ngayon ay mag focuse muna tayo dito, para manalo tayo sayang pa naman kasi 50,000 ang price ng mananalo at ang pangalawa ay 30,000 at ang pangatlo ay 20,000 diba? malaking tulong na iyon" dahil sa sinabi ni chelsea ay nag karoon ako ng idea.

Everything Has Changed (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon