Christmas

35 0 0
                                    

*Asha's POV*

"Jingle bells Jingle bells jingle all the way oh daspan electric fan kaldero at pingan hey! jingle bells jingle bells --- jingle all the way oh daspan electric fan~KALDEROOOO AT PINGGAAAAAAAN!

Ma mamasko po"

Malakas na kanta na may halong sigaw ng mga batang na ngangaroling sa labas ng bahay namin ..

Natutuwa pa akong pakingan ang awit nila kasi ang effort nilang mag gawa ng sound effect para lang malagyan ng ingay ang kanta nila kahit mali-mali pa ang lyrics.

"ang cu-cute talaga nila kuya" komento ko sa mga batang katatapos lang kumanta ng pang christmas song.

"yeah! Although some of their lyrics are wrong, still cute...here's the money" abot saakin ni kuya ng isang libo "give that to them, kulot"

"aba! Yayamanin ang lolo ko ha isang libo" hinagayway ko pa sa mukha nya ang isang libong bigay nya saakin.

"tss. It's christmas you know"
Pinang ikutan lang ako ng mata. Tska nag lakad papasok sa bahay. Ammp! ang taray ni kuya paskong pasko eh.

Nag lakad ako patungo sa gate binuksan ko ito ng kaunti at saka inabot sa mga bata ang pera.

"hello mga kids, ito na yung pera" naka ngiting abot ko sakanila ng isang libo.

"wow ang laki naman neto ate. Salamat po ng marami" sabi nung batang babe na kasama nila.

"salamat ate ganda" sabi nama nung isang batang lalaki.

"ayy jusko! Nam-bola pa tong bata na ito. Osya hati hati kayo dyan ha! Tska uwi na kayo gabi na baka kung maputukan kayo ng mga paputok dyan sa daan" sabi ko saknila. nag aalala kasi ako para sa kaligtasan nila. syempre pasko na uso ang mga nag pa-paputok sa kalsada ngayon, malay ba natin kung hindi sila matatamaan diba?

mahirap na ang matamaan ng paputok.

"opo! Salamat po ulit ate. Miri kismas po" kumaway  nalang ako sakanila. Nag sitakbuhan silang palayo saakin..

"ay nako kapag nadapa ang mga iyon yari na ang tuhod nila." bulong bulong ko habang nakatingin parin sa mga batang papalayo.

Bago ako pumasok pinag masdan ko muna ang fireworks na nag sisilbing liwanag sa kalangitan ngayon.

*pweew * pweew *pweeew*
Sunod sunod na putok ng obat ibang kulay na fireworks.

"woooow! Ang ganda" manghang komento ko habang naka tingala sa langit.

*BOOOOO*

"Ayy palakang tinubuan ng pulgas" gulat na sigaw ko sabay hawak sa puso kong malakas na kumalabog dahil sa gulat.

Everything Has Changed (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon