Pageant

24 1 0
                                    

*Natasha's POV*

Apat na araw na simula nang mag start ang event dito sa school.  Nung first day palang ay talagang nag enjoy na ang mga studyante dahil ibat ibang contest ang napapanuod namin sa loob ng apat na araw, syempre hindi na wawala ang kaniya kaniyang cheer ng bawat level para sa pambato nilang contestant.

gabi gabi rin ay may sayawan dito kaya mas lalong nag eenjoy, may mga imbitadong sikat na artista at mga bandang nagiging guest sa bawat araw ng event.

At ngayon na nga ay pinaka hihintay ng lahat. Ang pageant kung saan ay may 43 na kalahok. At syempre isa na ako doon huehuehue..

Kinakabahan talaga ako ng bonggang bongga.

"candidates, 30 minutes nalang mag start na ang pageant." announce ni sir, yung choreo naming bakla.

Andito kami sa dressing room ngayon syempre kasama ko si ate denise at mama sila ate jazzy,gaile,chelsea,ellaine, johnric, kuya jam, andrew, carl at rex ay naka upo na malapit sa stage nang EC paminsan minsa pumupunta ang tatlo dito para tignan ako pero hindi rin nag tatagal kasi bawal ang madaming tao sa loob ng dressing room.

Lahat ng girls ay sama sama kasi iisang dressing room lang ang ginamit namin symepre pati rin ang boys. Kaya nakikita ko lahat ng contestan na babae, pati si nicole ay kitang kita ko, nagagawa niya nga akong tarayan at tignan ng masama pero hindi ko nalang pinapansin. Ano pa bang bago sa ugali niya diba? Wala na.XD

"naty, halika i-retouch muna kita" sabi saakin ni ate denise kaya umupo ulit ako sa upuan ko kanina tska ni-retouch.

"yan! Perfect .. Ang ganda ganda mo talaga naty, mukha ka nang living elsa of frozen" pumapalakpak na komento niya saakin kaya ngumiti naman ako. "syempre ang galing kaya ng taga makeup ko!" sabay kindat sakaniya.

I was wearing a crystal blue, off shoulder dress with custalized bodice and translucent and of course powder blue sleeves.
yung katulad kay elsa ng frozen. tapos ang hair kong color white na naka loose french braid.

yung katulad na katulad kay elsa ang itsura ko ngayon. Hehe

Required naman mag suot nang kahit anong pang disney princess ang contestant kapag sa kanta ka kasali kaya kaming mga kasali ng kanta ay nakapang Disney outfit. May cinderella,snow white, sleeping beauty basta iyong mga prinsesa ng disney.

"candidates, na team sayaw lumabas na kayo at kayo ang mauuna guys" sabi nung isa sa sataff nang pageant. Nag silabasan naman ang mga candidates na kasali sa sayaw.Nakatayo lang ako sa may pinto nang lumapit saakin si bella.

"ate natasha, para ka ng si elsa talaga huhu mag papa picture ako sayo mamaya ha!" sabi niya Saakin habang palabas siya ng dressing room.

Isa siya sa naging ka close ko simula nang nag start ang practice namin magka sunod lang kasi kami nang number.

"hihi oo naman bella, good luck sayo fighting!" sabi ko sakaniya. Nag pasalamat siya tska patakbong tumungo sa back stage.

"tss! Umalis ka nga diyan bruha! Harangharang kasi akala mo naman ang ganda. You are not beautifuling" napatingin ako sa likod ko. Nakatayo si nicole halatang umuusok nanaman ang ilong. Bruha talaga akala niya naman kina ganda niya. >___<

Nag iwas nalang ako sakaniya, tumabi ako nang kaunti para maka daan siya sa may pintuan. Actually hindi naman talaga ako naka harang eh, sadyang oa lang ang nicole akala mo naman natakpan ko na ang buong pintuan. Ang sarap ipalunok sa kaniya ang pinto eh! Pssh!

"good luck nicole" nakangiting sabi ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako nag patuloy lang sa pag lakad patungong back stage.
"by the way nicole, ingat ka sa daan, tanga ka pa naman ..bye" saka ako pumasok sa dressing room hahaha.. Akala mo ha ikaw lang ang marunong mang lait.

Everything Has Changed (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon