Misa de gallo

35 0 0
                                    

*Natasha's POV*

nakaran ang ilang araw, panay din ang practice namin para sa pageant naka bisado narin naming lahat na candidates ang gagawin.

pati sa lahat ng pasunod sunod para sa pageant ay alam narin namin kung paano kaya hindi na nangamba ang organizer ng event ngayon kung saan matagal kaming hindi magkikita kita dahil christmas vacation na.

sa katunayan ay andito kami ngayon sa simbahan dahil 23 na ng december huling araw para sa simbang gabi.

madaming tao ang dumalo sa misa de gallo'ng ito dahil sa malamang ay ito na nga ang huling simba, bukas dispras na ng pasko malamang busy na ang mga pamilya sa pag asikaso para sa pag diriwang.

maluwang ang upuan kong saan kami naka upo. nasa malapit sa unahan kami naka pwesto, halos mga pamilya at may kaidaran ang umupo dito sa unahan! mas ginusto ng mga kabataan na pumwesto sa hulihang bahagi ng simbahan . doon sila nag siksikan. ewan ko kung bakit.

hindi pa naman nag sisimula ang misa kaya taimtim lang akong naka masid sa mga taong andirito.

katabi ko si kuya aljon then katabi nya naman sa right si johnric, si mommy at daddy naman ang nasa dulo. bale ganto ang pwesto namin.

[daddy/mommy/johnric/kuya/ako/bakangteng upuan]

ganyan ang pwesto namin ngayon.

wala namang umuupo dito sa katabi ko.

ayaw ata akong maka tabi.
napalabi ako dahil sa naisip ko. tsk! wala akong nagagawa kung ayaw nila edi wag! diko sila pipilitin.. >_____<

umusog ako ng umusog hangang sa dulo ng upuan malayo na ang agwat ko sa kinaruruonan nila mama. kunot noo pa nga akong tinignan ni kuya pero nginitian ko nalang sya. malamang nag tataka sya kung bakit ako tumungo sa pwestong to.

malayo sa kanila.

ang tagal mag simula ng simba. huhuhu na babagot tuloy ako. napa aga kasi ang pag punta namin dito, hndi ko naman magawang mag cellphone kasi nasa simbahan kami tska baka mapagalitan ako ni mama.

tahimik lang akong naka upo sa pinaka dulo ng may mg salita sa gilid ko.

"excuse me iha! may naka upo ba diyan?" umangat ako ng tingin at pinasadahan ang isang ginang na medyo may kaidaran na pero ang ganda nya parin ang puti nya naka lugay ang kayang blonde na buhok, kumikintab naman ang kanyajg suot na hikaw at kwentas na halatang mamahalin. naka suot ng violet na dress hanggang tuhod at mataas na takong, may bitbit din syang bag naka saklay sa kanyang siko halatang mahal din iyon. na mangha ako sa pag tingin sa kanyang itsura. natutuwa lang kasi ako, kasi kahit may edad na sya eh hndi mo ma iaalis sa kanya ang pagiging bagets nya.

parang si mommy mahilig mag pa bagets.. palibhasa model nung kapanahunan nya kaya ganyan nalang sya pomorma hangang ngayon.

"krystal is that you?" dinig kong sambit ni mommy kaya napa baling ako ng tingin saknya.

mag ka kilala sila?

"Louisa??~ohmaygad! loui loui... i missed you" patakbong tumungo ang ginang sa parte nila mama..nag beso-beso at nag yakapan silang dalawa halata mo sa mukha nila ang galak. dahil sa pag kikita nila.

magkaano-ano ba ang dalawang to?

yan ang tanong na gusto kong malaman ang kasagutan.

umupo ang ginang sa pagitan ni john ric at kuya
kaya umalis si johnric sa gitna at lumipat sa tabi ni daddy para mabigyan ng spasyo sila mommy at yung ginang na kakilala ni mom.

Everything Has Changed (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon