Chapter 1

120 2 0
                                    

Hingal na hingal si Leona na nakatayo sa harap ng pintuan ng kanilang classroom. Unang subject niya iyon sa araw na iyon at late naman siya. Pang tatlong late na niya iyon sa subject niya. God tulungan niyo po ako sa teacher kong ito. Sana po hindi niya po ako mapansin ni ma’am

 Huminga muna siya ng malalim at pinihit ang seradura ng pinto. Sumilip muna siya at nakita niyang nakatalikod ang kanyang teacher at may kung anong isinusulat ito. Dahan dahan siyang pumasok at lumakad papunta sa kanyang upuan sa likod. Dapat hindi siya mahuli ng kanyang teacher kundi lagot naman siya at siya naman ang pag tripan nito sa klase.

“So..”

Nabigla siya sa biglang pagsalita ng kanyang teacher at napaupo sa upuan na bakanteng nakita niya. Kaso ang kamalasan nga naman niya sa araw na iyon dire-diretso. Nabunggo ang paa niya sa arm chair.

“Aw!”

Napasigaw siya sa sakit. Lahat naman ng kaklase niya ay napatingin sa kanya. Nahihiyang humarap siya sa kanyang guro at classmates.

“Well, Good morning Ms. Casimiro.”

“Ehe. Good morning ma’am!” bati niya sa teacher niya at binigyan ito ng alangang ngiti. Naku! Lagot naman ako nito.

“May exam ka ba mamaya?” tanong ng kanyang teacher.

“Po? Wala naman po.” Sagot naman niya. Nag dududa sa kanyang teacher.

“Aah. Akala ko may exam ka eh. Napaaga ka kasi ngayon.” Ayan na nga ba ang sinasabi kong banat eh.

Tumawa naman ang kanang mga classmates. Nakakahiya talaga. Sa susunod hindi na talaga siya dapat ma late. Ang malas naman kasi ng umagang iyon sa kanya kasi umikot pa sa kung saan ang tricycle galing sa boarding house niya papunta sa parkingan kung saan ang mga tricycle lang nan nakapila doon ang pwedeng pumasok ng kanilang campus. Kaya inabot naman siya nga siyam-siyam bago makarating sa kanilang school. Madalang na kasi ang mga studyante pag hindi oras ng paglabas at pasok ng mga studyante. Standard kasi ang time sa kanilang campus kaya alam ng lahat kung kailan ang peak time papasok at papalabas.

“Sorry po ma’am.”

“It’s okay. Next time come to class early.”

“Yes ma’am.” Tumayo siya at lumipat ng kanyang original na upuan. “Nakakahiya talaga.”

Tinuloy naman ng kanyang teacher ang pagdi-discuss nito. Parang wala naman siyang halos napulot kasi naman pag late siya hindi na siya halos makaconcentrate. Nang matapos ang kanyang klase ay dumiretso siya sa canteen para hintayin ang susunod niyang subject.

-------

Kasalukuyan niyang nilalantakan ang paborito niyang chocolate cake nang biglang may lumanding na bola diretso sa kanyang cake at tumilapon ito sa kanyang mukha. Biglang nagdilim ang kanyang paningin sa nangyari. Ang malas talaga parang kinasama siya ngayong araw na ito. Tiningnan niya kung saan nanggaling ang bola at nakita niya ito sa grupo ng kalalakihan na nagtatawanan. Mga walang hiya!

Tumayo siya at lumapit dito.

“Who the hell threw that goddamn ball?” tanong niya dito nga mahinahon.

Patuloy pa rin ang tawa ng mga ito. Sino ba naman ang hindi matatwa sa itsura niyang puno ng cake? At ito ay dahil sa kagagawan ng mga hinayupak na bastos na mga lalaking ito?

 “Well..” Nagtanggal muna ito ng bara sa lalamunan. “Hindi naman naming sinasadya ang nangyari.. We were just playing around and that ball slipped..”

At nakangiti pa talaga ang loko. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

Slipped?” Mariing tanong niya rito habang pinipigilan ang paghambulas sa itsura nito.

“If you’re mad about the cake, I’ll replace it.” Doon naman napadako ang kanyang tingin sa lalaking nagsalita. Tinitigan niya ito ng masakit. Dahil sa pagtitig niya, doon niya napansin na gwapo ang lalaki. Matangos ang ilong nito, mapula ang mga labi, singkit ang mata at makinis ang kutis. Mahihiya ang lamok na tumapak sa mga balat nito kung sakali. Pagsisisihan din ng alikabok na dumapo dito dahil malalaglag lang ito sa sobrang kinis. Tumikhim ito at parang natauhan siya sa kanyang pagtitig. Dapat galit siya. Hindi niya dapat ito pinupuri dahil ito ang nagdala ng kamalasan sa kanya.

“I don’t need any replacement. Nawalan na ako ng ganang kumain. Again. I’ll repeat my question. Who the hell threw that goddamn ball?” Napasigaw na siya sa inis sa mga ito.

Tumaas ang kamay ng lalaking kaninang nagsabing papalitan daw nito ang cake niya.

“Me. Any problem with that?”

“Yes.”

Lumapit siya at kinuwelyuhan ito. Dahil sa malaking galit niya sinuntok niya ito.

Bet on my first kissWhere stories live. Discover now