Hey angel. I just want to remind you that our date will be two days from now and meet me at you favorite place.Bye.
Napakaaga naman ng text ng lokong ito. Sa Saturday na pala ang kanilang "date". Naiinis siya sa sarili niya ng hinayaang mangyari ang mga bagay na ito. Ngayon pinoproblema niya kung paano niya sasabihin kay Grey ang nangayari sa kanya. Alam niyang masyadong protective si Grey sa kanya at talagang mahirap itong paliwanagan lalo na't may nagloloko sa kanya.
"AISH! Ano pa namang problema ang binigay ni Chad sa akin! URGH!" Sigaw niya. Wala siyang pakialam sa ingay niya basta malabas niya lang ang sama ng loob niya. Wala namang mabubulabog na kapitbahay niya kasi private ang village kung saan ang kanyang apartment.
Nag ring bigla ang kanyang phone. Hindi man lang niya tiningnan ang caller at sinagot.
"Hello? Wala ang may-ari ng cellphone na ito. Tumawag ka na lang ulit. Bye."
At binaba ang phone. Shocks. Nakakainis kang Chad ka. Tinapakan na ng ilang ten wheeler truck si Chad sa isip niya. Tinali at hinulog sa bangin. Pero hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang lalaki.
"Teka bat ko ba iniisip ang lalaking iyon?" Kausap niya sa sarili niya. "Manonood na lang ako ng sine."
Nagbihis siya sa at napagdesisiyunang mag mall. Nag shorts lang siya at nag hood. Nang makarating siya sa mall ay tinitigan niya ang mga movies na pwedeng mapanood.
"Ano kaya ang mgandang panoorin?" tanong niya sa sarili niya.
"Maganda daw yung Diary ng Panget."
"Hindi ko pa to nabasa eh." Sagot naman niya.
"Mag Rio 2 ka na lang kung gusto mo. Masaya daw."
"Hmm. Sige mag Ri-Rio 2 na lang ako." Ngumiti siya sa kanyang napagdesisyunan ng pag lingon niya ay may nabangga siya.
"Sorry." Sabi niya at lalagpasan lang sana ito ng biglang hinawakan nito ang braso niya. Dahil dun napatingin siya sa taong nabangga niya. Chad.
"Bakit ba sa tuwing nagkikita tayo nadidisgrasya na lang ako." Sabi nito sa kanya.
Ahh. Siya pa ngayon ang nadidisgrasya? Siya ba hindi?
Ngumiti siya dito. "Alam mo Chad kung hindi ka ba naman pa sukpot sulpot kung saan at tumingin sa dinaraanan mo eh di sana hindi ka nadidisgrasya."
Ngumiti din ito ng malapad. Showing his dimples that amazed her. He has a dimple?
"Wow. Cute." Bigla niyang sabi. Tinakpan niya ang kanyang bibig. Aish. Me and my big mouth.
"Thank you. Now, let's go?" Sabay hawak sa kamay nito.
"Ha? Saan?" takang tanong niya.
"Manonood tayo ng Rio 2. Di ba yun ang gusto mo?"
"What? I did-----" Hinila na siya nito at diretsong pasok sa loob ng sinehan. Nakabili na pala ito ng ticket. Naghanap ito ng upuang bakante para sa kanila habang hawak hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Nang maupo sila ay hindi niya mapigilang magtanong dito.
"Teka, paano mo nalamang nandito ako sa mall?"
Tunawa ito. "Wild guess? Knowing you, alam kong na bobore ka kanina kaya sigurado akong maghahanap ka ng mapaglilibangan which means na libangan eh yung makapag-iisa ka."
Maang na napatingin siya dito. Paano nito nalaman ang ugali niyang ito?
"Well, I was observing you these past few days and I notcied this behavior of yours."
Ha? Paano nito nalaman ang iniisip niya?
"Just looking at your face, I can tell what you're thinking." sagot naman nito.
By just looking at her face he can tell? Ano siya manghuhula?
"I'm not okay? Masyado ka lang transparent kaya ko nalalaman ang laman ng isip mo." Sagot ulit nito with amusement on his face. "If you won't stop staring at me like that, I'll kiss you."
On cue, umayos siya ng upo at dumiretso ng tingin sa screen kahit hindi pa naman nag-uumpisa ang movie. Wala pang lalaking nakakaptahimik sa kanya. Even Grey.
Tumawa ito at umuyugyog pa talaga ang balikat nito.
"You really fascinate me LJ and I like it."
Tumahimik lang siya. ayaw niyang patulan ang mga pinagsasabi nito. Nang magumpisa na ang movie ay panay ang tawa niya sa palabas. Kahit na pangbata ito ay tuwang tuaw siya. Mababaw lang naman kasi ang kaligayahan niya at hindi niya mapigilang tumawa ng malakas. Nang matapos ang movie ay ngumingiti pa rin siya.
"You really liked that movie?"
Tumango siya. "I really liked that movie. Kahit yung unang palabas nito hindi ko rin pinalagpas. Natutuwa ako sa mga pambatang movie and I don't know why. I even liked Frozen. And di magibang all time favorite ng mga kids." Inawit niya pa ang naka LSS na Let it Go with matching action.
"I'm happy. I never thought I could see this side of yours. Thank you." Sincere nitong sabi.
Nag blush siya sa sinabi nito. Masyado na siyang komportable sa presensiya ni Chad kaya nakakapag open na siya dito. Bigla ay may narinig siyang shutter sound. Kinunan siya nito ng litrato.
"Hey! I delete mo yan!" aakma niyang kunin ang phone nito pero inilayo ito sa kanya.
"No way! That was a once in a lifetime face of yours na siguro matagal ko pang makikita."
She sighed. "Fine. Basta wag mo lang ipagkalat."
"Tara kain tayo." Hinila naman siya nito sa isang restaurant. Naamoy niya ang pagkain at biglang kumulo ang tiyan niya. Hindi pa siya nakakapag lunch.
Tumawa ito. "Mukhang galit na ang mga alaga mo ah?"
"Sort of." Sabay hawak sa tiyan niya.
"Anong gusto mo?" tanong nito sa kanya.
"I want a heavy meal."
Ngumiti ito sa kanya at ginulo ang buhok niya. "That's why I like you, Hindi ka nagtatago ng damdamin."
Naguluhan siya sa sinabi nito at umorder ito ng maraming pagkain. Nakakahiya kahit na dalawa lang sila ang kakain pero ang dami.
"Ba't ang dami naman nito? Baka isipin nila ilang buwan akong hindi nakakain."
Tumawa ito. "It's okay. I like you the way you are. And don't worry, dalawa naman tayong kakain niyan. Nagugutom din kasi ako. Rawr."
Hindi niya na napigilan ang sarili at bumalanghit ng tawa. "Hindi ko akalaing masasabi mo iyon." Tumatawa pa rin siya.
Nag pout ito. "Kain na nga tayo."
"Itadaikimasu!" sabi naman niya at nilantakan na ang pagkain sa kanilang mesa.
YOU ARE READING
Bet on my first kiss
Romance"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Leona. "Yes. you're mine." Ito ang salitang natatandaan ni Leona simula nang maghiwalay sila ng landas ni Chad. Galit ang dinala niya pagkatapos nitong lokohin siya. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahi...