Chapter 7

61 1 0
                                    

"Leona, I saw you yesterday at the mall.." biglang sabi ni Grey. Nasa apartment niya sila ngayong araw na ito at nag re relax. Kakatapos lang ng kanilang semester at naghihintay na lang sila ng graduation nila. Ang school pa naman nila ang last school na naka schedule ng huli for graduation. Ang iba nag u-update na ng kanilang graduation photos samantalang sila ito at naghihintay pa rin.

Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Grey. "Ha? Ta-talaga?"

"Oo. Bakit hindi mo sinabi?" parang may tampo sa boses nito.

Hala? Alam na kaya nito ang tungkol sa pangungulit ni Chad sa kanya? "H-ha??" Think Leona think. "Kasi.. Kasi.. biglaan lang naman yun wala akong magawa kaya nag decide akong pumunta ng mall.. I'm sorry.."

Inakbayan siya nito. "Bakit parang feeling ko may tinatago ka sa akin?"

"WALA AH!" Biglang sagot niya na pasigaw.

"Whooa.. Kalma naman diyan.. okay? Nakita lang kitang naglalakad.. Hindi na kita nahabo kasi bigla kang nawala.. Bakit parang ang defensive mo naman ata?" tanong nito sa kanya.

Akala pa naman niya nakita siyang kasama si Chad. Shit. Para siyang nasa secret relationship na tinatago sa parents ang tungkol sa kanila. The usual theme ng mga teenager na ayaw ng parents magkaboyfriend sila pero ginawa pa rin ng palihim. Ganun ang feeling niya ngayon. "Ikaw naman kasi hindi mo pinatapos agad. Parang suspense thriller lang eh. Hindi naman ako defensive siyempre nabigla lang ako. Hindi mo ko nilapitan eh.." Palusot niya.

Tumawa naman ito. "Sorry girl friend.. Nawala ka kasi eh. Hindi ko naman alam baka nag CR ka lang sa mall.."

"Naihi na ako sa daan pag ganun. Magluluto na nga ako ng lunch natin baka gutom lang yan." Tumayo siya at naglakad papuntang kitchen ng biglang mag ring ang phone niya.

"Girl friend may tumatawag sa iyo!" Sigaw ni Grey.

Shit! Baka si Chad yun at baka nakita ni Grey iyon! Lagot na pag nagkataon. Bigla siyang tumakbo para kunin dito ang phone niya nang nag end ang call.

"Whooa. Para naman sasagutin ko yun." sabi nito sa kanya.

Huh? Sino ba ang tumawag? Hindi ba si Chad? Nang tingnan niya ang kanyang phone ay si papa niya pala ang tumawag. Assuming naman siya masyado para isiping si Chad ang tumawag. Teka bakit ko ba iniisip ang kumag na iyon?

"Hehe. Akala ko kasi kung sino ang tumawag. Alam mo na baka importante." Palusot ulit niya. Nakadalawa na siya kay Grey ngayon ah. Kahit kailan hindi pa siya nagsinungaling kay Grey. Kahit ka liit liitang bagay na iyon ay hindi niya pinalalagpas lalo na't si Grey ang nasa harap niya.

"Importante talaga yun kasi si tito yun. Baka magtatanong tungkol sa graduation mo. Baka uuwi sila." sabi naman nito na parang normal lang ang nangyari. Pero iba naman sa kanya. Napakalakas ng tibok ng kanyang puso sa kaba at excitement. Excitement? Kanino naman siya excited?

"Asa pa akong uuwi siya. Busy masyado yun sa trabaho. Hindi nga minsan makatagal sa chat namin eh." sabi naman niya na may lungkot sa boses.

Tumayo naman ito at inakbayan siya. Naglakad sila papuntang kitchen para makapagluto na sila. "Hayaan mo na si tito. Alam mo naman na iyon ang way niya para makalimutan ang lungkot. Simula ng mamatay si tita ganyan na siya."

"Alam ko naman yun. Pero hindi lang naman siya ang nawalan di ba? Nawalan din ako." sagot naman niya.

"At ako." Bumuntong hininga ito at hinarap siya. "Alam mo Leona, kaming mga lalaki hindi masyadong showy sa mga nararamdaman namin pero deep inside sobrang halaga na nung tao sa amin na ayaw naming mawala sila sa piling namin. Kaso men are born to look strong. Ang society na mismo ang nagsabi na dapat ganito kaming mga lalaki hindi pa man kami pinanganak. Kaya si tito ganyan. ayaw niyang ipakita sa iyo na sobrang hina na ng kanyang puso kasi wala na si tita. Mahal na mahal niya kayong dalawa at kailangan niya maging matatag para sa inyong dalawa. Kung hindi niya gagawin yon mas kamumuhian mo siya. Kahanga hanga ang tapang na ipinapakita niya. Sana ma intindihan mo ang ginagawa ni tito para sa iyo."

Bet on my first kissWhere stories live. Discover now