“How will I do that then? Hindi ko naman kayang banggain ang ulo mo para makalimutan mo ang case. I can punch you but not to the extreme. May humanity pa naman akong natitira.” Sabi niya.
Tumawa naman si Chad sa sinabi niya. “That’s why I like you.”
“And I don’t.” Sabay simangot. Di niya naman nilagyan ng ibang meaning ang sinabi ni Chad sa kanya. Di naman siya yung tipong malisosya sa mga pinagsasabi.
“I know. So, hindi mo naman ako kailangang bungguin para makalimot.” Sumandal ito sa upuan.
“Then? Anong gagawin ko? Para ‘makalimot’ ka?”
“Well, I was thinking kung pwede mong ibigay ang isang araw mo sa akin. One day is all I need.” Ngumiti ito sa kanya.
Biglang lumakas ang tibok ng puso niya sa ngiti nito. He is cute when he smiles. Tumikhim siya and sumimangot.
“Ano naman ang gagawin natin sa isang araw? Mind you hindi ako makikipag sex sa iyo. Hindi ako nakikiuso sa trend ng mga kabataan ngayon.”
Tumawa ito ng malakas to the point na nakatingin na ang mga tao sa café sa kanila. Parang walang pakialam ang isang ito pag tumawa eh.
“Ganyan ba ang tingin mo sa akin? I’m amazed. I never encountered such woman who could talk like that directly without feeling awkward. That’s why I like you.”
“Cut that crap about liking me. You won’t get anything out of it. Anyway, ganyan talaga ako. Hindi na ako nagpapaligoy ligoy pa. Mabuti ng klaro ang pag-uusap nating ito. Ayokong nanghuhula noh.” Sinimulan niya na namang kainin ang cake.
“I like it and I won’t stop saying that. We’ll know when I get to plan when. Sa ngayon, gusto ko lang tanungin kung okay lang sa iyo?”
“Of course. Kung yan ang makakapagpawala nang hinanakit mo sa ginawa ko. Kung tutuusin ako ang biktima dito. Nananahimik yung tao eh binato niyo ng bola.” Naubos niya na ang ckae at sumimangot naman siya.
“Bakit ba sa tuwing nakikita kita ay palagi ka nalang nakasimangot?” tanong nito sa kanya.
“Ganito lang talaga ang hobby ko. Sundin mo na lang kung gusto mo.” Uminom naman siya ng kape. “Aah! I’m okay now. So, text mo na lang ako kung kalian mo gusto ang one day ko ha? Busy akong tao kaya I schedule mo siya ahead para malagay ko sa calendar of activities ko.”
“Ganun na lang yun? Wala kang problema dun?”
Tumango siya. “Bakit may dapat ba akong problemahin? Alam kong may kasalanan ako sa’yo and I admit it. So, paano? Aalis na ako. Baka hinihintay na ako ni Grey eh. Bye!” Tumayo na siya at nagsimulang umalis ng biglang hinawakan ni Chad yung kamay niya.
“Oh? May nakalimutan ka bang sabihin?” Tumingin siya kay Chad.
Umiling naman ito. “Sino si Grey sa buhay mo?”
“Ah. Si Grey ba? BF ko. Bakit?”
“Boyfriend mo?”
“Pwede rin at pwede ring best friend. Both. Again, bakit?” Hinigpitan naman nito ang hawak sa kanyang kamay. “Ehem. Masyado namang mahigpit. Pwede namang bitawan ang kamay ko. Please. Kasi po aalis na po ako.”
Pero hindi pa rin nito binitawan ang kamay niya. “Alam ba niya ang tungkol dito?”
Nag isip muna siya. Alam ba ni Grey? “Ai. Hindi. Bakit? Hindi na niya kailangang malaman ito. I can handle this myself. Besides he’s busy. Sige.” Hinawakan niya ang kamay nito at tinanggal. “Ja!”
Umalis na siya bigla. Ayaw niya nang makaharap ito parang nawawala siya sa isip pag kasama ito. Hindi na rin niya inexplain ang tungkol sa kanila ni Grey. Tinatamad na din siya magsalita eh.
Bakit naman kailangan ako mag explain? Hindi ko naman siya ka ano ano. Pero..
Ang gulo nang isip niya. Pati ang puso niya.
“Oh. Ba’t abot lupa ang nguso mo diyan? May nangyari ba?”
Meron Grey. Yung asungot na yung binibigyan ako ng sakit ng ulo.
“Wala naman.” Sabay ngiti. “Iniexercise ko lang ang nguso ko. Bored kasi ako eh.” Nguso, ngiti, nguso ang ginawa niya.
Tumawa ito. “You look idiot.”
Sinige pa rin nito ang kanyang ginagawa. “I am idiot.” Sige pa rin ang pag nguso at ngiti niya.
“Ang gandang exercise ah. Kiss na lang kita para mas ma exercise mo.”
Bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa.
“Oh. Napatigil ka? Maganda naman yun ah.” Ngumiti ito ng loko.
“Walang hiya ka!” Hinampas niya ito.
“Hey girl friend! Ano ba? May mali ba akong ginawa?” Habang tumatawa ito.
“Pinaglalaruan mo ako kasi alam mo ang weakness ko.” Napanggap siyang umiiyak. “Alam mo namang mahalaga sa akin ang first kiss ko.”
Inakbayan siya nito. “Alam ko naman. Kaya lang girl friend ang daming nakatingin sa iyo. Maganda ang lips mo at masyadong inviting. Kaya pinatigil kita.”
Tumingin siya sa palibot niya at nakita ang mga schoolmates nilang nakatingin sa kanila. Napayuko siya tuloy ay nagtago kay Grey.
“Nakuu. Nakakahiya. Nakalimutan kong nasa school pala tayo.”
Pinat nito ang kanyang ulo. “Kaya nga pinatigil kita.”
Tiningnan niya si Grey. “Salamat boy friend.”
Ginulo naman nito ang buhok niya. “Always for you girlfriend.” Tiningnan nito ang kanyang relo. “But I’m sorry girl friend may class pa ako. Mauna na ako sa iyo. I know you can manage yourself. Basta promise me not to do anything crazy. Okay?”
“Okay.”
Kinuha na nito ang backpack at tumayo sa ground. Nasa favorite place niya kasi sila. Sa ilalim ng puno malapit sa field.
“Bye girl friend!” Nag wave pa ito sa kanya ng kamay.
“Bye!” nag ganti siya ng wave ng kanyang kamay at nag smile.
Biglang may lumipad na bola sa harap niya at tumama ito sa bag niya. Tiningnan niya kung saan nanggaling ang bola. Ai leche!
“You! Buti na lang at hindi ako tinamaan!” Sigaw niya sa may ari ng bola.
“Masyado kasing maganda ang ngiti mo gusto ko lang sirain.” Sabi naman ni Chad sa kanya. Habang papalapit ito sa kinaroroonan ng bola.
“Gusto mong sirain? O gusto mong sirain ko yang mukha mo?” ganti niya dito.
“That’s fine with me. Then you’ll get to spend your whole month with me instead of one day.” ngiti ngiti pa ito.
Napatanga siya. A month with this guy? Hindi niya kaya. One day kaya niyang ibigay pero hindi ang isang buwan niya. Nakuu. Kung wala lang akong kasalanan sa kanya! Makakatikim ulit to sa akin.
“Natulala ka? Are you considering it?”
“No way in hell!” Sigaw niya. Tumayo siya at kinuha ang bag niya. Mabuti pang sa café siya mag stay. Doon pwede pang tumambay.
“I haven’t think about the date yet. I guess I’ll just reserve it.” sabi nito.
“Okay. Just text me then.” Umalis na siya doon. Masyado itong gumagwapo habang tumatagal sa paningin niya. Kahit suplado ito at epal iniitindi niya. Alam niyang lahat ng tao may pinagdadaanan. Alam niya iyon. Hindi niya kayang manghusga ng ugali ng basta basta.
These past few weeks ay parang roller coaster ang buhay niya dahil kay Chad at hindi niya nagugustuhan ito. Nasisira ang kanyang planadong buhay.
YOU ARE READING
Bet on my first kiss
Romance"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Leona. "Yes. you're mine." Ito ang salitang natatandaan ni Leona simula nang maghiwalay sila ng landas ni Chad. Galit ang dinala niya pagkatapos nitong lokohin siya. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahi...