Chapter 3

61 1 0
                                    

“Chad Blaise Samson, my ass.” Bulong ni Leona habang nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay. Nasa library siya nung araw na ‘yon. Ilang araw din na hindi niya nakita ang lalaking kasalukuyang iniisip niya.

Makabasa na nga lang ng libro. Kinuha niya ang kanyang iPad at hinanap ang naiwang binabasa kagabi.

“Ai tanga naman nito. Kapag iniwan ka na wag ka mo nang balikan. Kung importante ka sa kanya hindi ka niya iiwan. Ano ba ‘yan?” kausap niya sa kanyang sarili.

“Malay mo naman may rason siya sa pag-iwan dito.”

“Kahit may rason siya hindi pa rin sapat para iwan niya ito.”

“Akala mo lang ‘yon. Assuming naman masyado yung tao. Hindi man lang hinayaang mag explain.”

Sabagay. Teka lang. Napaangat siya ng ulo at napakunot ang kanyang ulo ng makita kung sino ang nasa harapan niya.

“Allo! It’s nice to see you dear.”

Tinitigan niya lang ito. Maya maya ay kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. Lumabas siya ng library. Ngunit kakambal ata nito ang kakulitan at sinundan siya nito.

“Uy. Hello!” sabi ni Chad. Sumusunod lang ito sa kanya. Wala siyang balak makipag-usap dito. Sinasayang lang nito ang oras niya.

“Aah. Wala ka talagang balak kausapin ako ha? Halikan na lang kita para di mapanis ang laway mo.” Lumapit ito sa kanya.

“What the?!” bigla niyang sabi. Mukhang wrong move iyon kasi ngumiti ito. Parang nagsasabing nag tagumpay ito sa plano nito.

“Sa wakas nagsalita ka rin. Again, Hello!” sabay kaway ng kamay.

“What do you want?” tanong niya dito.

“I want you.

At talagang ngumiti pa ang gago.

You know what? Stop annoying me. Maraming tao ang pwede mong kulitin. ‘Wag lang ako. Busy akong tao.” Tumalikod na siya. Ayaw niyang masira ang araw niya nang dahil naman sa lalaking ito.

“Leona Jade Casimiro stop right there!” Pasigaw nitong sabi. Napatigil siya ng lakad at ang mga tao sa paligid nila ay nakatingin na sa kanila. Dumiretso lang siya ulit ng lakad. Kahit nasa isip niya kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan.

“Leona!” sigaw ulit nito.

“Leona!” pero si Grey ang tumatawag sa kanya sa harap niya.

“Grey!” tumakbo siya papalapit dito.

“Na miss mo ba ako masyado? Parang excited ka ah.”

Kumapit siya sa braso ni Grey at hinila ito palayo. Palayo kay Chad. Lumingon siya sa Chad at ang dilim ng mukha nito. Bahala siya.

“Saan tayo pupunta?” humarap siya kay Grey at ngumiti.

“Libre mo ako. Nagugutom ako eh.” Paglalambing niya dito.

“Ang takaw mo talaga kahit kailan. Ano ba ang gusto mong kainin?”

“Hee. Alam kong hindi mo ako matiis. Libre mo ako ng keki.”

“Cake na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa cake?” nakangiwi nitong sabi.

“Hindi.” Ngumiti siya. “Dali na.”

Papasok na siya sa susunod na klase. Pagkatapos nilang kumain ni Grey ay naunang umalis ang huli para pumasok na. Malayo kasi ang building sa susunod na klase ni Grey. Hindi niya naman nito masabi na sabay lang sila. Malapit lang ang kanyang building. Biglang may tumapik sa kanyang baga na ikinalingon niya. Ang kumakaway na kamay ni Chad ang sumalubong sa kanya.

Bet on my first kissWhere stories live. Discover now