Kumakain si Leona ng ice cream ng biglang may nagtakip ng kanyang mata. Pamilyar siya sa amoy na iyon at alam niya na kung sino iyon. Sino ba naman ang hindi makakaalam eh halos araw araw niya itong naaamoy. Nakakadik na nga ang amoy nito.
“Guess who?” sabi nito.
“’Guess what?’ siguro.” Sabi niya at tinanggal ang kamay ng nagtakip ng mata sa kanya. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya. Cementong mesa ang nasa gitna nila. Pinatong nito at pinagsaklop ang kanyang kamay at tinitigan siya.
“Kumakain ka na naman?”
“Hindi. Umiinom ako. Tinutunaw ko nga lang tong ice cream para ma inom ko.” Sagot naman niya.
Tumawa ito ng malakas.
“Yeah right. Funny. Di ba?” sarcastic niyang sabi.
“Hey. Funny naman talaga.”
“Ang babaw mo dude.”
“Sa’yo lang ako mababaw.”
“Stop that Grey Andrei Monteverde.” And stuck her tongue out.
Tumawa naman ito. Kahit kailan talaga medyo maluwag ang tornilyo ng kaibigan niyang ito. Childhood best friend niya si Grey. Kalaro niya ito sa mga boyish stuff na pinaggagawa niya. Hindi kasi sanay ang kaluluwa niyang gumawa ng pambabaeng gawain. Though she knows a lot of things about household works. Tinatamad lang talaga siya kaya mas prefer niyang lumabas at maglakwatsa. Si Grey ang kasama niyang lumalabas.
Palagi siya nitong binibiro na kesyo kung nakikita lang daw nito na mahal siya nito at pwedeng pwede maging boyfriend niya. Paano naman siya maniniwala sa sinasabi nito eh palagi niya itong nilalagyan ng “Joke lang” sa dulo ng mga pinagsasabi nito sa kanya.
“Natutuwa ka talagang makita ang pagmumukha kong ito noh? Hindi ka ba nagsasawa?”
“Well.. Alam mo namang ikaw ang paborito ko sa lahat. Kaya magsawa ka sa itsura kong ito.”
“Yeah right. At ikaw naman ang paborito kong boy friend.” Habang inuubos ang ice cream niya konti na lang ang natitira at madidispatsa niya na ito. Pampalipas oras niya lang naman ang kumain.
“And you’re my favorite girl friend.”
“I love you boy friend.”
“I love you girl friend. By the way, anong nangyari nung nakaraang lingo sa’yo habang wala ako? Umalis lang ako saglit nanuntok ka na?” sabi nito habang pinagkrus ang kanyang kamay sa harap nito.
Ngumiwi siya sa pagka-alala nia sa nangyaring iyon. Out of impulse ang kanyang ginawa. Nagalit siya at nanilim ang kanyang paningin kaya wala siyang pakialam sa kanyang ginawa.
“That guy was a bastard. It was his fault. He threw the ball to me and it fell on the cake that I was eating. Mabuti na lang ang hindi ako ang tinamaan noh. Kung hindi, hindi lang iyon ang kanyang inabot.”
“Good girl. Sana sinabi mo agad. Para maresbakan pa natin.”
“No need na. Kayang-kaya ko siyang patumbahin. You know, I’m a black belter in judo, taekwondo, at aikido.” Sinuntok niya pa ang kanyang palad para idagdag sa kanyang pagmamayabang.
“Yeah. I know that. Siyempre magkasama tayo nun.”
Nag bell na kaya hindi na nila natuloy ang kanilang pag-uusap. Sa kabilang building si Grey at siya naman sa ibang building din ang klase. Naka earphones siya habang naglalakad at pagliko niya may nabangga siya.
“Aw!” sigaw nito.
“Sorry.” Nag bow siya at nagpatuloy ng lakad.
“Wait.”
Kahit naka earphones siya rinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Kaya lang male-late na siya pag kakausapin niya ito. Kaya dumiretso siya ng lakad.
“I said wait.” Matigas nitong sabi.
Pero dahil male-late na talaga siya ay nagkunwaring wala siyang narinig at dumiretso pa rin. Konting lakad na lang abot niya na ang kanilang room. Biglang may humawak sa kanyang kamay. On instinct ay pumiglas ang kanyang kamay para tapihin ito.
“Whoaa. Not again.”
Pagsabi nito ay tiningnan niya kung sinong istorbo sa kanyang buhay. Tinanggal niya ang kanyang earphones.
“Ano ba ang problema mo? Nag ‘sorry’ na ako.”
“Calm down.” Lumapit ito sa kanya at tinitigan siya. Dumukwang pa ito ng konti na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
“What are you doing?”
“Staring at you. I want to memorize your face and remind myself not to mess up with this person again. But since I’m a very stubborn guy, that would never happen.” Ngumiti ito. Parang natuklaw siya ng ahas pagkakita niya ng mukha nito. Bigla siyang kinabahan. Para iwasan ang kanyang kaba ay tinulak niya ito.
“Yeah. As if I care. If you want another punch in the face just call me. I’ll gladly give it to you.”
Tumalikod siya dito. Kailangan niyang umalis doon. Parang may mali sa kanya.
“Leona Jade Casimiro. Remember this. It’s Chad Blaise Samson.”
YOU ARE READING
Bet on my first kiss
Romance"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Leona. "Yes. you're mine." Ito ang salitang natatandaan ni Leona simula nang maghiwalay sila ng landas ni Chad. Galit ang dinala niya pagkatapos nitong lokohin siya. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahi...