"Anak? Tapos ka na bang magbihis?" Tanong ng kanyang ama sa labas ng pinto ng kwarto niya.
"Opo Pa. Malapit na. Lalabas na ako mamaya pagkatapos nito." Naglagay siya ng lipstick para naman magmukhang tao siya sa graduation day nila. Ito na rin siguro ang huling pagkikita nila ni Chad. May lungkot na bumalot sa puso niya ng ma isip na possibleng hindi na nga sila magkita ni Chad. Kahita asungot ito sa buhay niya napalapit na rin naman ito sa kanya.
"I'm so proud of you anak." Yun ang sabi sa kanya ng ama paglabas niya ng kwarto niya. Niyakap niya ang kanyang ama. Parang naiiyak naman siya.
"Pa, reserve na lang natin ang luha natin mamaya ha?" Pabiro niyang sabi sa kanyang ama para mabawasan ang bigat na nararamdaman niya. Tumawa naman ang kanyang ama at tumango. Pumunta na sila sa kanilang school. Pagdating niya aad niyang hinanap si Grey. Namataan naman niya itong na nakakaway sa kanya. Lumapit siya dito at niyakap ito.
"Na miss mo ba ako girl friend?" Natatawang niyakap din siya ni Grey. "Parang hindi ko alam kung saan ka nakatira kung makayakap ka sa akin ah."
Hinampas niya ito. "Gago. Natutuwa lang ako at sa wakas sasablay na rin tayo!"
"Hindi halata sa mukha mo." Sabi nito ng nakatawa.
"I know right?" Ngumiti naman siya ng malaki. Mayamaya ay narinig nila ang announcement na kung saan kailangan na nilang pumila para sa paghahanda ng kanilang ceremonyas.
Natapos ang graduation ng mapayapa. Isa na siyang graduate at tuwang tuwa siya. Agad na hinanap niya kung saan ang kanyang ama at si Grey ng makapag picture na sila nang biglang may nanghatak sa kamay niya.
"Ay!" Sigaw niya sa pagkabigla nang lingunin niya kung sino ito. "Chad.."
"Congratulations L." Bati nito sa kanya.
"Congratulations din. Sige, kailangan ko pang puntahan si Papa at Grey." Aakmang tatalikod na siya nang bigla siyang hinawakan ni Chad at hinila.
"Whuy Chad! Saan mo ako dadalhin. Hinahanap na ako ni Papa at Grey." Pero parang walang narinig si Chad. Direretso lang ito sa pagkaladkad sa kanya at tumigil ito sa isan malakin puno na malayo sa mga tao. Medyo madilim na rin ang lugar kung saan siya dinala ni Chad.
"Ano bang gusto mo sa akin? Look, hinaha----" Hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin ng bigla itong yumukod para pantay na ang mukha nila. Sa sobrang lapit ng mukha nito naamoy niya na ang minty fresh breath nito at ang pabango na ginamit nito.
"Just wait for me here." Natulala siya sa ginawa nito at hindi niya agad na digest ang sinabi nito. Namalayan na lang niyang nakabalik na pala ito at may dalang buoquet of white roses.
"For you. Congratulations."
Wala sa isip niyang tinanggap ito. "Thank you. Hindi mo na sana pa pinagkaabalahan." Inamoy niya ang bulaklak at ngumiti. "Ang bango katulad mo."
Tumawa ito at doon niya lang na realize ang sinabi niya."Thank you. I really hope to see you around after our graduation. I will miss you." Niyakap siya nito at bumulong. Nabigla siya sinabi nito at bigla niya itong tinulak. Nakatawa naman itong tinitigan siya. Hindi niya alam ang sasabihin kaya umalis siya para malayo sa masamang vibes na tulad ni Chad.
Nabiglanaman ang kanyang ama sa dala niyang bulaklak buti naman at tinanggap nito ang kanyang paliwanag na galing sa kaibigan niya ang bulaklak. Si Grey naman ay nakamasid lang sa kanya na para bang may gusto itong itanong pero umiwas siya ng tingin. Sa susunod na lang niya sasabihin pero hindi muna ngayon. Wala pa itong alam at ayaw din naman niyang maglihim pero nagawa na niya. Nag dinner silang kasama ang mga magulang ni Grey. Halata sa mga itsura nito ang tuwa sa kanilang pagtatapos ganun din naman silang magkaibigan.
Ito na ang simula ng kanilang pagharap sa realidad. Kung ano mang meron sa kinabukasan handa na siyang harapin ito. Handa na nga ba siya? Naalala niya naman ang sinabi ni Chad. Dapat maging handa siya at alerto. Baka bigla na lang itong sumulpot sa buhay niya sa future.
YOU ARE READING
Bet on my first kiss
Romance"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Leona. "Yes. you're mine." Ito ang salitang natatandaan ni Leona simula nang maghiwalay sila ng landas ni Chad. Galit ang dinala niya pagkatapos nitong lokohin siya. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahi...