"Mama." Tawag ng batang Leona sa kanyang ina.
"Yes anak?"
"Ma, ano po ang kiss?" tanong niya sa kanyang ina. Narinig niya itong pinag-uusapan ng kanyang tita sa sala kanina at mukhang masaya itong pag-usapan kaya naman na curious siya sa kanilang pinag-uusapan.
"Saan mo naman narinig yun anak?" tanong ng kanyang ina.
"Kina tita po. Mukha po kasing silang masaya habang pinag-uusapan ito."
Dumukwang ang kanyang ina hanggang sa magkalevel na sila.
"Anak, alam mo ba kaya sila masaya habang pinag-uusapan ito?"
Umiling siya. Malay ba naman niya kung ano ang kiss.
Ngumiti ang kanyang ina. "Alam mo kasi ang kiss ay ang pag didikit ng lips ko sa lips ng ibang tao. Katulad nito." Hinalikan siya ng kanyang ina sa lips at ngumiti siya. "See? Ngumiti ka kasi nagustuhan mo at masaya ka. Kaya masaya sila tita mo habang pinag-uusapan ito."
"Pero iba naman yung kanilang pinag-uusapan. Hinalikan daw ni Andre si tita. Eh lalaki naman si Andre, babae ka naman Mama." Katwiran niya.
"Iba naman halik yun anak. Alam mo ba na ang halik galing sa lalaki na binibigay niya sa babae ay dapat special?" Umiling siya. Umupo ang mama niya sa upuan at kinandong siya nito.
"Alam mo ba na ang unang karanasan kong halik ng galing sa lalaki ay kay Papa mo? Ang first kiss naming dalawa ay special kasi iyon ang unang pagkakataon na nagkasundo ang aming puso. May damdaming halo ang halik. Gusto mong maramdaman niya na mahal mo siya o di kaya ay masaya ka. Kaya ikaw anak, dapat ibibigay mo lang ang halik mo sa taong nararapat dito. Hindi ito pagkain na pwede mo lang ibigay sa kung sino sino. Na iintindihan mo ba?"
"Opo ma."
"Good. Sige maglinis ka na at kakain na tayo. Tawagin mo si Papa mo. Okay?"
"Okay ma."
YOU ARE READING
Bet on my first kiss
Romance"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Leona. "Yes. you're mine." Ito ang salitang natatandaan ni Leona simula nang maghiwalay sila ng landas ni Chad. Galit ang dinala niya pagkatapos nitong lokohin siya. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahi...