Chapter 8

33 1 0
                                    

Nakitang niyang nakasandal si Chad sa puno. Biglang bumagsak ang puso niya sa nakita. Basa ito dahil sa biglaang pag-ulan kanina habang tulog siya.

Hindi ba ito sumilong man lang?

Lumapit siya dito.

“Chad..” Tawag niya dito.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. “Akala ko hindi ka na dadating.”

Oh my God. Nagui-guilty siya sa kanyang ginawa. Hindi niya naman ginusto na makatulog kanina. Masyado lang na preoccupy ang isip niya sa kanyang ama.

Ngumiti siya. God. Gusto niya na ang lalaking ito. Hindi niya namalayan nagustuhan niya ito sa kabila ng hindi maintindihang ugali nito.

“I’m sorry. Alam kong hindi na iyon maibabalik ang nangyari pero I’ll make it up to you.”

Tumayo ito ng tuwid at lumiwanag na ang mukha nito. Kahit nakangiti ito kanina halata sa itsura nito na nagtamtampo na ito sa kanya.

“Talaga?”

“Oo.” Hinawakan niya ang kamay nito at hinila. “Halika na. Magpalit ka muna ng damit mo. Kung hindi ka ba naman tanga para sumilong ng alam mong umuulan na.” Paglilitaniya niya dito. “Bakit ba kasi hindi ka sumilong?” Lumingon siya dito.

“Natatakot kasi ako na hindi kita makita sakaling dumating ka doon. Alam ko namang magdadala ka ng payong. Baka isipin mo hindi ako tumutupad sa pangako ko.”

Napatigil siya sa paghila at paglalakad. Hinarap niya ito. Biglang nakaramdam siya ng mainit na haplos sa kanyang puso sa narinig niya dito.

Napabuntng hininga siya. “Hay. Sorry talaga. Nakatulog kasi ako pagkatapos kong mag-usap kay Papa kanina.”

“I understand. Alam ko naman na tumutupad ka sa pangako. Kaya I didn’t doubt for a second na hindi mo ako sisiputin.” Ngumiti ito. Yung ngiting sincere at masaya.

Masyado na siyang nakikilala ni Chad. Kahit pang hindi siya nito nakakasama lagi. Observant naman masyado ito.

Ngumiti siya. “Mukhang kilala mo na ako ah. Pero bago pa natin to ituloy ang usapang ito magpapalit ka muna. Ayokong magkasakit ka ng dahil sa akin. Konsensiya ko pa yun kung sakali.”

“Concern ka ba sa akin?”

“Hmm. Hindi naman?”

Lumapit ito ng konti sa kanya hanggang ilang dangkal na lang ang layo nila. “Alam mo LJ, hindi ka magaling magsinungaling.”

 Tumikhim siya at inilayo ang mukha dito. “Oh. Ikaw na. Halika na nga baka matuluyan ka ng magkasakit niyan eh.” Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng kanilang school. Dumiretso sila sa kanyang apartment kasi malapit lang naman ito sa kanilang school.

“Pasok ka. Wag kang mag aalala may mga damit akong panglalaki dito.” Dumiretso siya sa kanyang kwarto at iniwan niya ito sa sala. Hinalungkat niya ang kanyang mga damit at nakita niya ang T-shirt na minsan nabili niya. Nagandahan siya dito kaya binili niya. Bumaba siya para ipapagpalit ito ng damit. Nakita niyang naka upo si Chad sa sofa at nakapikit ang mata. Nalagot na. Mukahang magkakasinat ito.

“Palitan mo na ang damit mo. Pasensiya na damit lang mapapahiram ko sa iyo ha? Yan lang kasi ang available. Doon ang CR.” Tinuro niya ang pintuan kung saan ang CR.

“Salamat LJ.”

“Walang anuman. Magbihis ka na.”

Lumakad na ito papuntang CR at bumalik naman siya ng kanyang kwarto para kumuha ng gamot. Mabuti ng maagapan ang sakit nito kesa lumala pa. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Baka nag half bath ito. Nagluto siya ng sopas para mainitan ito at makainom na rin ng gamot.

Bet on my first kissWhere stories live. Discover now