Chapter 4

56 1 2
                                    

“Pare, rinig ko hinawakan mo raw ang gitara mo kagabi?” biglang tanong ni Sean.

“Si Elise ba ang nagsabi sa’yo?” tinutukoy niya ang kanyang nakababatang kapatid.

“Well..Yeah?” nakakamot ito sa kanyang ulo.

“What’s new? Ang bata talagang iyan. Masabihan nga mamaya.”

“Huwag naman pre. So it’s true na hinawakan mo talaga ang gitara mo?”

“Yeah. Spur-of-the-moment decision. I felt like doing it.” Kinuha niya ang chichiriya na dala nito at binuksan.

“Bakit?”

“I don’t know. I was even thinking about why I did it.”

“So meron na namang bang babae nakakuha ng interes mo?”

“I don’t know.” Tinitingnan niya ang mga estudyanteng pumaparoon at parito sa campus. Nang nakita niya si Leona na nakahiga sa isang puno malapit sa field. Natutulog ito habang may ear phones sa tenga. Bigla ay parang gusto niyang lumapit dito at kulitin.

“Aaah. So siya pala. That girl who punched you in the face and got you knocked out. Ang galing.”

“Shut up.” Habang nakatingin pa rin siya dito.

Bigla ay may nakita siyang lalaking papalapit kay Leona na may dala dalang box. Inilapag nito sa tabi ni Leona ang Box at tumabi dito. Nakatitig lamang ang lalaki sa natutulog na mukha ni Leona. Siya naman ay natitig din sa susunod na gagawin ng lalaki. Maya maya ay kinuha nito ang kanyang camera at kinunan ng litrato ito. Parang nainis siya sa pagkuha nito ng litrato kay Leona.

“Who’s that?” turo niya kay Grey.

Tiningnan nito ang kanyang itinuro. “Aah. That’s Grey Andrei Monteverde, Son of Monteverde Group of Companies. One of your rival companies.”

Natahimik siya bigla. Bakit kaya magkasama ito at si Leona. Nung nakaraang araw ay ito ang lalaking kinublit ni nito para makatakas sa kanya.

Naramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya kaya unti unti niyang idinilat ang kanyang mata. Tama nga siya may nakatingin sa kanya.

“Grey.”

“Hello girl friend.” Habang nakangiti.

“Hi boy friend.” Bumangon siya at umupo ng tuwid. May naamoy siyang mabango at hindi siya maaaring magkamali cream puff iyon. Hinanap niya kung saan iyo at nakita niya sa tabi niya ang box ng cream puff na paborito niya.

“My Cream Puff!” niyakap niya ito at ngumiti ng malaki kay Grey. “Thank you. I love you.” Habang tinitingnan ang Cream puff.

 “Your welcome. Mabuti pa ang cream puff may ‘I love you’ yung nagbigay wala.” Parang nagtatampo nitong sabi.

“I love you too boy friend.” At nginitian ito ng matamis.

“Wag mo akong masuhulan ng ngiti mong iyan.” Ngumiti na rin ito.

Tumawa lang siya at binuksan ang cream puff. Nag uumpisa nang mag laway ang kanyang bunganga pagkita pa lang ng laman niyon. Kumuha siya ng isa at tinikman ito.

“Aaahh. This is heaven.”

Tumawa ito. “Wala ka bang klase at naka higa ka lang dito?”

“Wala. Umalis si ma’am ng maaga. Hindi ko alam kung saan nagpunta basta umalis. Ikaw wala ka bang klase?” Nilalantakan niya na ang ikalawang cream puff.

“Kakatapos lang. Nakita kitang nakahiga dito. Binatayan kita. Baka mapaano ang aking girl friend.”

“How sweet naman ng boy friend ko. Pero kaya ko ang sarili ko.”

Bet on my first kissWhere stories live. Discover now