Ilang linggo na ang nakaraan nang huli nilang pagkikita ni Chad. Ayaw man niyang aminin ai na mi-miss niya ito. Nami-miss niya ang kakulitan nito at pag sunod sunod nito sa kanya. Ito naman ang gusto niya di ba? Ang tigilan siya ni Chad sa pangungulit. Natatakot siya sa kanyang damdamin. Natatakot siyang baka lumagpas pa ang kanyang nararamdaman. Though hindi naman sila masyadong nagkakasama lagi ni Chad pero napapansin niya ito. Kahit saan siya magtungo ay nakikita niya ito. Minsan nga na iisip niya na sana lumapit sa kanya si Chad pero hindi nangyari yun. mAy konting kirot siyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya ito. Mabuti na lang at nandiyan si Grey. Mabuti na rin at busy rin sila sa pag asikaso para sa kanilang graduation. Kasalukuyang bumibili sila ni Grey ng damit na gagamitin nila sa graduation. Puting dress lang naman sa kanya at barong para kay Grey.
"Girl friend, punta muna akong CR ha? Mamili ka muna diyan ng damit na gusto mo. Text mo na lang ako pag lumipat ka ng ibang store or saan ka para mapuntahan kita. Okay?"
"Okay. Dali. Alis na."
"Mukhang excited ka atang umalis ako ah? May i me-meet ka ba?"
"Ha? Wala ah."
Tumawa naman ito. "Okay. Sige."
Tumango lang siya at bumalik sa pagtingin ng mga damit na nandoon. Napabuntong hininga siya.
Ang hirap naman maghanap ng damit. Mahirap na ngang maka graduate, mahirap din pati sa damit na gagamitin? Kailan ba ako tatantanan ng hirap na to?
May nakita siyang damit na sa tingin niya ay tama lang. Hindi revealing sa harap at likod. Hindi rin masyadong maiksi. Tama lang. At nagustuhan niya agad ito sa unang tingin pa lang. Kinuha niya iyon at tiningnan. Ang ganda. Bagay kaya to sa akin?
"Bagay sa'yo yan. It will look perfectly fine in you."
Napasinghap siya ng biglang may nagsalita sa tabi niya.
"Chad!" Sabi niya.
Ngumiti ito. "Long time no see, LJ."
Pilit siyang ngumiti at medyo lumayo ng konti dito. "Y-yeah." at binalik ang tingin sa damit na hawak niya.
"Subukan mo. Para malaman mo na totoo ang sinabi ko."
Tumingin siya dito. Nakangiti ito sa kanya. Eerh. Awkward.
"Mamaya na lang siguro. Wala pa kasi si Grey. Hihingin ko pa ang opinion niya." agad namang sabi niya.
Nakita niyang nagbago ang expression ng mukha nito. Bakit naman?
"Kasama mo pala ang BF mo." Diniinan pa nito ang salitang BF.
"Uh. Oo. By the way, sinong kasama mo?" tanong naman niya para maiba ang topic.
Tinuro nito ang mga kabarakada nitong naglalaro sa mga damit sa kabilang store. "Maingay kasi sila and I saw you here alone. I thought you need some help kaya pinuntahan kita dito. I guess you don't need one." May halong lungkot at tampo ang boses nito kahit hindi masyadong halata sa mukha nito.
"Eer. Not that I don't want your opinion but I'm also considering Grey's opinion. Ginagawa kasi namin ito lagi. Kaya nasanayan ko na."
"Aah." Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Eh ano naman ngayon?
Nag ring bigla ang phone niya at tumatawag si Grey. Sinagot niya ito.
YOU ARE READING
Bet on my first kiss
Romance"May gusto ka pa bang sabihin?" tanong ni Leona. "Yes. you're mine." Ito ang salitang natatandaan ni Leona simula nang maghiwalay sila ng landas ni Chad. Galit ang dinala niya pagkatapos nitong lokohin siya. Ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana dahi...