Pasulyap-sulyap by Tootsie Guevara
Parang may iba akong nadarama
Magmula nang makausap na kita
Araw-araw ang puso ay umaasa
Na muli ika'y aking makikita
Yan ang nararamdaman mo tuwing nakikita at nakakausap mo siya. 'Yung tipong siya na lang lagi ang gusto mo makita at makausap.
Sa bintana'y lagi nang nag-aabang
Ng iyong sulyap habang nagdaraan
Ang lagi mong puwesto sa classroom ay yung malapit sa bintana. Para pag dumaan yung crush mo makikita mo agad siya. Dahil doon nakukompleto ang araw mo makita mo lang siya ok na.
Parang di mo pansin ang mga ngiti ko
Manhid ba ang puso at damadamin mo
'Nung nabigyan ka ng pagkakataon na kausap siya at makabonding lalo ka pang nahulog sa kanya. Kaso kahit anong pa-cute mo sa kanya ay parang walang epekto ang ginagawa mo para mapansin niya.
Pasulyap-sulyap kat kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Nung minsan ay napansin mo na nakatingin siya sa iyo. At hindi sinasadyang napangiti sayo. Kikiligin ka ba? Malamang ang isasagot mo ay oo. At masasabi mo na lang na "Oh may gulay tumingin siya at di lang yun may ngiti pang kasama! Hindi kaya may gusto din siya sa akin? Wahhhhhhh!"
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin
Nagsimula ka na mag-isip na kung anu-ano tulad ng sana kausapin ka, hawakan ka at i-date. Di ka pa nakuntento hiniling mo pa na "Sana ligawan niya ako, Di na ako magpapakipot pa kasi agad-agad ko siyang sasagutin!" dahil sa iniisip mo napasigaw ka na lang bigla lahat tuloy ng classmate mo napatingin sayo.
Ang lahat ay para bang sinasadya
Yung tipong lagi na din kayo nagkakasalubong sa hallway. Kasi yung totoo patago kang sumusunod sa kanya at pagnakakita ka ng pagkakataon ay sasalubungin mo siya na parang di mo sinasadya. Naparang aksidente lang ang lahat. Yun pala ay planado mo na ang lahat.
Sa 'king puso ay anong laking tuwa
At muli ikaw ay aking nakausap
One time nakita ka niya nasa hallway umiiyak ka kasi nawala yung baon mo dahil sa katangahan mo. Nilapitan ka nya at tinanong kung ano problema mo. Di ka nagdalawang-isip na sabihin ang dahilan. Maya-maya nagulat ka na lang dahil inaabutan ka na niya ng pera. At ang sabi pa niya sayo "tara treat kita ng ice cream." halos abot tenga ang ngiti mo at bigla kang napasagot ng "Sige!". Masaya ka na ulit.
Para kang nangangarap nang kaharap
Kung dati pangarap mo na tignan ka ka niya, Natupad iyon. Pinangarap mo rin na sana ngitian ka niya, Natupad 'yon. May bonus pang kasama kasi ngayon nakausap mo siya. Hindi lang yon, Binigyan ka pa niya ng pera kapalit 'don sa nawala at ang malupit pa eh kasama mo siya ngayon kumakain ng ice cream na libre niya. Kung dati ay pinapangarap mo lang yun ngayon ay eto natutupad na.
'Yan ang feeling ng unang pag-ibig.
Lahat tayo nakaranas niyan ang sarap sa pakiramdam ang ma-inlove lalo na sa unang pagkakataon.
Ikaw ano ang unang kuwentong pag-ibig mo?

BINABASA MO ANG
Love Hurts
Non-FictionAdvice "Kuno" hihihi anything about LOVE :) Copyright © 2013 by Nylecore. ALL RIGHTS RESERVED.