Third Wheel

178 4 45
                                        

THIRD WHEEL

Ito ba 'yung pangatlong gulong?

Ano 'yon Tricycle lang.

Ito ba 'yung Bridge? Tulay? Taga abot ng Love Letter sa taong nililigawan?

Hmm. puwede din.

Pero yung ipo-point out ko as THIRD WHEEL ay yung mga Tapat na Kaibigan na handang makasama ang kaibigan n'ya kahit maging THIRD WHEEL pa siya.

Ano gets mo na ba yung tinutumbok ng butsi ko?

Kung oo, Well salamat at naintindihan mo ako. O sadyang THIRD WHEEL ka din? Kaya Gets mo agad.

At kung hindi pa, Sige ipapaliwanag ko sayo kung bakit THIRD WHEEL tawag sa taong ganito.

Ikaw ba ay may kaibigan na may Boyfriend/Girlfriend?

Lagi ba kayo magkasama ng kaibigan mo na 'yon?

Mapa-MALLING man.

Nood ng SINE.

Groupings.

Kain sa canteen.

Sa tambayan.

Break Time.

At pagkikita ng Tropa.

Maraming magbabarkada ang pumupunta sa MALL para magpalamig. MInsan, nagpapalipas ng oras. Madalas mo makikita ang mga ito na magkakasama, maiingay at nag-uumpukan sa Fastfood o di kaya sa foodcurt.

Pero minsan makikita mo rin na tatlo lang sila. Dalawang babae at isang lalaki. Malamang isa doon sa babae ay girlfriend ng lalaking kasama nila.

Mapapansin mo rin na parang umiiwas yunng isang babae.

Alam mo kung bakit umiiwas?

Kasi naman, kung maglandian yung dalawa daig pa KOALA na nakaakap sa sanga ng puno. Syempre ang AWKWARD ng dating n'on sa isa. Kahit naman din ikaw di ba medyo lalayo ka ng konte sa kanila.

MInsan sa loob ng sinehan. Makikita mo din yung ganong eksena.

'Yung nagkukulitan, nagsusubuan at nagaakapan sila. Habang yung isang lamig na lamig at gutom na gutom. Kasi yung pagkain niya kinain na ng dalawa.

Haaaayyy naku nakakabadtrip 'yon dude.

Bawat student may kanikanilang barkada at may kanya-kanyang tambayan. At syempre, di pa rin mawawala ang mga THRID WHEEL kahit sa tambayan, Lalo na kung naghihintayan nang umuwi. Malas mo kung ang barkada na kasabay mo maghintay ay mag-jowa. OP ka talaga as in OP (Out of Place). Makikita mo sila pano mag-kulitan, lambingan tapos magkikilitian. Na pagnasagi ka sasabihin lang sayo "Ay sorry eto kasi e. Hihihihi tama na kasi. Ano ba hahaha." Ta's sabay takbo na akala mo naglalaro sila ng habulang gahasa. Mapapa-Roll Eyes ka na lang sa nangyayari.

Bigti na Friend hehehe. Saklap naman no'n. Parang nambubuwisit lang sila. Alam naman nilang wala kang jowa mag-gaganyan sa harapan, sa likod at sa gilid mo. Kung hindi mo lang siguro sila kaibigan baka masgugustuhin mo na lang na patayin mo na lang sila para makahinga ka na lang ng maluwag.

Kasi pagkasama mo silang ganyan lumiliit yung mundo mo at nauubusan ka ng OXYGEN kasi hindi ka makahinga sa sobrang inis mo sa kanila.

Lalo na pag may Group Activities. Ang madalas kasi na bilang ng isang grupo ay 4 o di kaya 5. Ang kalain mong suwerte ka kasi ang ka-group mo ay kabarkada mo. Puwes, nagkakamali ka. Alam mo kung bakit? Sabihin na lang natin na Group Date ang magyayari. OO, Group Date kasi yung 4 na kasama mo ay mag-jojowa Group date kasi sila mukha ng BF/Gf nila ang kaharap nila pag-gumawa kayo ng Activity na naka-asign sa group niyo at ikaw may ka-date ka din yung LAPTOP. Kasi ikaw ang gagawa lahat. Ikaw ang magta-type, magse-search at magpaplano ng lahat. Habang sila gumagawa ng sarili nilang mundo, ikaw gumagawa ng activity niyo.

MInsan Group Project. Syempre, pagsinabing project sa bahay ng isa sa mga ka group mo ito gagawin. Para may reason na magkita sila ng mga jowa nila at ikaw malamang mag-isa ka na namang gagawa.

Maghihintayan kayo para sabay-sabay kayo pumunta sa bahay ng ka-group niyo. Habang nasa sasakyan kayo ramdam mo na agad na OP ka. Kasi sila bulungan ng bulungan tapus tawa ng tawa ikaw ayon tunganga. Pipilitin mo na lang ngumiti kahit hindi mo naiintindihan yung pinag-uusapan nila.

Ngayon gets mo na kung ano yung THIRD WHEEL?

Kung oo.

VERY GOOD! PALAKPAKAN! SA WAKAS ALAM MO NA.

Guys, kung nakikita niyo ang sarili niyo sa mga examples na nilagay ko. Wag kayo mag-alala darating din yung taong magmamahal sa inyo. :D

AT sa kabarkada mo na may jowa at ginagawa kang THIRD WHEEL. Eto SHOTGUN barilin mo. JOKE LANG.

Para sa kanila, Guys, mahiya naman kayo. Kahit na kaibigan niyo pa 'yan still di pa rin maganda. Kung aalis kayo ng BF/GF niyo much better kung kayo na lang dalawa 'wag niyo na idamay yung kaibigan niyong loveless kung gagawin niyo lang taga panood sa inyo habang naglalandian kayo. 'Di ko sinasabi na mali 'yon yung akin lang kung magsasama kayo ng kaibigan pagkasama niyo BF/GF niyo make sure na isasali niyo din siya sa usapan niyo. Hindi yung gagawin niyo lang THIRD WHEEL. Grabe kayo sa kanya. AT pls. sa mag-BF/GF diyan kung maglalandian lang kayo sa harapan ng kaibigan niyong loveless. eto lang sasabihin ko sa inyo GO GET A ROOM GUYS!

Ikaw

Naranasan mo na ba maging

THIRD WHEEL?

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon