Hoy! Friend Gising

215 3 3
                                    

Lahat tayo may mga kaibigan. 

Yung iba puro boys. 

Yung iba naman puro girls. 

And mostly sa panahon ngayon mix na.

Nandun yung tuksohan, kulitan, asaran, konyatan, suntukan, sabunutan, tadyakan, kalbuhan, kurutan, at patayan. Hindi joke lang hehehe.

Pero hindi doon nakafocus yung Topic ngayon.

Syempre pag nandyan ang Tropa, Barkada at kung ano pa tawag dyan sa groupo niyo hindi mawawala ang pagshare ng Pagkain, Inumin, Pera (kasi mag aambagan kayo pambili ng pagkain), at higit sa lahat ang pagshare ng problema.

Kadalasan nilang sinasabi ay yung Problema sa Pera.

Pag ganun ang topic mejo iwas ang iba kasi wala din namang pera pero minsan gumagawa ng paraan para matulungan ang isa.

Isa pa sa mga sinasabi nilang problema nila ay problema sa pamilya.

Na kesyo gusto na nila maglayas, mag-asawa na lang para makaalis sa kanila o di kaya ang magrebelde.

Syempre ang gagawin kakausapin mo ng maayos ipaalam sa kanya na kung maglalayas siya san siya pupunta di ba? Ikaw ayos lang ba sayo tumira sa kalsada? Tapus pagkagising mo wala ka makain maghahalungkat ka na lang ng pagkain sa basura? Kung dun siya sa bahay nila nakakain ka na nakakatulog ka pa ng maayos at hindi nakakababa ng moral ang pagsorry kung ikaw man ang may kasalanan aba! magsorry ka hindi yung magpapaka PUSONG BATO ka dyan. Ibaba ang Pride walang mawawala sayo.

Kung gusto mo mag asawa? GO! hindi ka pipigilan ng malaman mo ang kagandahan sa pagkakaron ng asawa sa ganyang idad lalo na kung highschool ka pa lang naku magisip ka. Pero kung gusto mo talaga sige walang pipigil pero pag ikaw nakaranas ng hirap wag kang aangal kasi GINUSTO mo yan tas aangal ka e LOKO ka pala eh. Kaya kung iniisip mo ay ang pag aasawa wag na muna may tamang panahon para dyan.

At kung ang pagrerebelde naman ang nangungulit dyan sa kokote mo. Naku mag isip ka may magandang kinabukasan pa na naghihintay sayo wag mo na sirain tas sa bandang huli magsisisi ka kaso wala na kasi ikaw din mismo ang sumira sa buhay mo. Kung itaya mo na lang sa lotto yang pang bisyo mo malay mo manalo ka eh di ganda na agad ng buhay mo bigtime ka na agad ng walang hirap di ba?

Pero kadalasan na talagang pinoproblema ng isang magbabarkada ay kaibigan din nila.

Hindi dahil sa Back Fighter kung yan ang iniisip niyo kundi sa pagiging BULAG nito sa Pag-ibig. Yan ang pinakamabigat sa lahat ng problema na nabanggit kasi ganito ipapaliwanag ko kaya makinigka.

UNA: 

Magtitext yan o di kaya GM para isang sabihan na lang na kung san pwede tumambay at gusto niya na uminum dahil may problema sia gawa ng boyfriend niya. Pagwalang ngreply instant galante pa yan dahil ihahabol niya na SAGOT NIYA ANG ALAK basta may kasama lang siya at inuman at dahil sa ganun marami na ang papayag na sumama.

PANGALAWA: 

Pagdating sa inuman problema dyan yung mabilis pa sa alasingko kumain ng pulutan. Inuman ang pinuntahan hindi picnic kumakakain ng pulutab wagas FIESTA lang ang datingan. Yung may problema di pa nauumpisahan magkwento problemado na kasi wala nangpulutan kaya yun mapapalabas na din ng pera pambili. At yung kumain mapapalabas na din ng pera pambili ng pulutan kasi mahihiya na yun kaya mapaparami ng pulutan. Mukhang mahaba-habang inuman ang mangyayari.

PANGATLO: 

Dito na lalabas ng sama ng loob yung kaibigan mo na nagpainum. May pa hapyaw pa yan na "ang mga lalaki talaga di na nakuntento sa isa" naku eto na magkukwento na yan ng nangyari sa kanila ng boyfriend niya. Syempre sa panahon ngayon uso ang 3RD PARTY yes maka 3rd party lang parang artista ang peg. Ayun na nga sasabihin niya na may iba yung boyfriend niya, may ganito ganyan at kung anu-ano pang related sa 3rd party at magsisimula na siyang umiyak. itong si kaibigan magpapayo.

"ilang beses na kitang sinabihan na hiwalayan mo pero ano nagpakatanga ka parin" yes tong si kaibigan F na F ang pagbibigay ng advice. Tapus eto lang sasabihin ng kaibigan mo "Mahal ko kasi siya eh!" wow ha? lakas nun tol! pero syempre ikaw gagawin mo lahat ng makakaya mo na iadvice syempre kaibigan ka eh nasasktan ka din kapag nakikita mo nasasaktan yung kabigan mo. Tuloy pa rin ang inuman pati ang pagsasabi niya ng problem niya. Hanggang sa maiinis ka na kasi pinipilit niya pa rin yung sarili niya sa taong nakakasakit na sa kanya.

PANG-APAT: 

Kaibigan mo na ang namomroblema sa problema mo kasi ikaw wala na iyak na lang ng iyak. 

Yung tipong may kaibigan ka tas kahit ilang beses mo pa siya bigyan ng advice hindi siya nakikinig sayo. Kulang na lang batukan mo bakasakaling mabadag yung helmet na nakalagay sa ulo niya para magising na din siya sa katotohanan. Kaso kasi hindi mo din magagawa sa kanya kasi kaibigan mo eh mahal mo din siya pero mahirap din kasi sayo nakasalalay kung sang part ba siya dadaan yung sa matuwid na daan ba o sa baluktot na daan.

at ang panghuli

PANGLIMA: 

Ito na ang pinakamabigat sa lahat pag ikaw ay kaibigan na mabait. Kasi yung nagpainum lasing na tas madami na ding uhog sa ilong di ko na maintindihan yung sinasabi. Dahil mabait kang kaibigan ihahatid mo na siya kasi lahat sila K.O na ikaw lang matatag kasi hindi ka uminom dahil alam mo na magiging ganito ang kalabasan ng mga nangyayari ngayon. pakiramdam mo ikaw na ngayon ang namomroblema dahil nakaalalay ka sa kanya tapus nagiisip ka pa ng paliwanag para sa parents niya. O di ba saklap.

Bilang kaibigan nandyan ka para gabayan yung kaibigan mo. Nandyan ka para maging balikat niya at maging sandigan sa hirap man o ginhawa. Taray parang Kasal lang pero totoo nanyan ka lagi para sa kanya. Kung ganun kang kaibigan well IKAW AY ISANG TOTOONG KAIBIGAN dahil sa kabila ng pagiging tanga ng kabigan mo di mo pa rin siya binitawan.

Lahat tayo nagiging tanga pagdating sa pag-ibig. 

Yung mga matatalino pagdating dito nagiging bobo. 

Kasi pagdating dito di mo alam kung ano kasunod kumbaga sa bawat araw na dumadaan may kanya kanyang highlight, pwedeng mapapaiiyak ka sa sakit o di kaya maiiyak ka dahil sa saya.

Kaya dapat lagi kang handa sa ano man ang posibleng mangyari.  

At pagdating dito hindi ibig sabihin na pag pinasok mo to kasi sasaya ka no! mali ka dyan. Kasi sa mundong ito lahat dapat pantay.Kung may nagtatagumpay meron namang bigo, kung merong masaya meron din naman malungkot parang langit at lupa lang. May mga nagsasabi kasi na "Kaya nga ako nakipagrelasyon dahil gusto ko sumaya" ay te hindi RELASYON ang kailangan mo. CLOWN yan ang kailangan mo kung nagtataka kasi clown yung sinabi ko di ba trabaho ng clown ang magpasaya ng tao. Kagaya ng sabi ko kanina hindi naman pwede puro saya lang di ba. Kung di ka makakaranas na masaktan hindi ka mag gogrow as a person. Kung di ka nga magkakamali di mo malalaman ang tama di ba? Parang pagluluto lang din yan una mamasusunog mo sa susunod hihinaan mo yung apoy pero maalat naman yung timpla mo sa susunod uunti untiin mo lang yung paglagay ng mga ingridients para macontrol mo at makuha ang tamang timpla pagnagawa mo yun sa susunod na pagluluto mo magiging ok na kasi alam mo na kung ano gagawin mo.

Ang pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Dahil walang nakakaalam kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos ng isang araw.

Kaya guys enjoy niyo lang sabi nga nila YOLO (You Only Live Once). Live your life to the fullest enjoy every second, minutes and hour to the person you love. :) Ok wala na ako sa line ng dapat pagusapan sa chapter na to hehehe.

Kaya enjoy go with the flow lang po ah. Kung may problem ka wag mo dibdibin te may likod ka pa! :)

Basta eto tandaan niyo "Ang love parang sugal lang yan di mo alam kung mananalo ka o hindi kung di mo susubukan."

enjoy reading

LOVE LOTS 

NYLECORE :)

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon