Requirements of LOVE

268 4 9
                                        

Kadalasan pagtinanong mo ang isang babae kung may BOYFRIEND na ba siya o wala. Ang kadalasan nilang sagot ay ganito.

"wala po!, NBSB ako kasi panget ako"

-ay taray ng NBSB ate ah

"wala po kasi po panget ako"

- ay mahiyain si ate

"wala! Bulag ka ba? tignan mo naman panget ako kaya walang magkakagusto sa akin"

-sungit naman nun nagtatanong lang eh

"naku ate wala po tignaman mo naman ako oh plus double size ng katawan mo yung katawan ko."

-awww.. ganun ba yun?

"Naku wala po, kahit manliligaw nga po wala eh BF pa kaya at tsaka sa taba kong to ah may magkakagusto ba sa kin?"

-lakas naman makataba si ate

Bakit kaya kadalasan nilang sagot ay PANGET o di kaya MATABA.

Talaga bang hadlang ang pagiging panget at pagiging mataba?

Ikaw sa tingin mo?

talaga bang hadlang yung dalawang katangian na nabanggit?

di kaya ang mga taong nakapaligid sa atin?

o sadyang sarili lang natin ang nag-iisip ng pagiging NEGA.

Siguro nga malakas ang hatak ng isang babae sa lalaki kung ito ay maganda.

Yung tipong mapapalingon ka na hindi kumukurap ang mata sabayan pa ng tulo ng laway.

Yung tipong tititigan mo ng matagal kasi yung ganda nia ay yung gandang hindi nakakasawa.

Yung mala artista ang datingan

Pero pano kung yung gandang yun ay panlabas lang?

I mean yung pampabihag.

parang ganito

"maganda nga mapagmataas naman"

" maganda nga mapamintas naman"

" maganda nga mapang alipusta naman"

"maganda nga mapagmaliit naman ng kapwa"

Kung ganyan ang ugali mo aba mas ok pa na maging panget na lang din ako.

Aanhin ko naman yung kagandahan kung ganyan naman yung ugali ko di ba?

Pero ate wag ka mag alala kasi may mga boys pa naman na ang hanap ay yung MAGANDA hindi yung sa physical na kaanyuan kundi sa KALOOBAN.

Para kasi sa akin kahit hindi ka maganda pero maganda naman ang ugali mo na pinapakita sa ibang tao para sa akin yun ang TUNAY NA MAGANDA. At kung iniisip mo na panget ka NO! ate mali ka kung ganyan ang katangian mo ikaw ay isang magandang dalaga. Baka nakakalimutan mo na bigay yan ni GOD kaya dapat ipagmalaki mo wag mo isipin ang mga negatibong bagay na sinasabi nila sayo hayaan mo sila hindi naman nila ikakayaman yan. Kung nakakarinig ka ng mga bagay na tulad ng mga chismis ng mga kapitbahay mo na

"Ang panget naman niya"

"alam mo ba siya lang ang panget sa kanilang magkakapatid"

"kaya nga walang nanliligaw dyan kasi panget"

Naku te sinasabi ko sayo sila ang pumapanget sa mga ginagawa nial. Hayaan mo sila kung ganyan ang tingin nila sayo. Wag ka mahiya na ganyan ka kasi ikaw yung tipong maganda ang ugali at kung gumanda ka plus na lang yun sayo kaya smile na para lalong gumanda. Sabi nga ni Ryzza "bawal ang sad dapat HAPPY".

Meron naman ang problema ay yung hubog ng katawan. Kesyo MATABA kaya hindi siya ligawin.

Naku ate mali yun.

Hindi porket mataba ka wala ka na karapatan maging masaya at mainlove. May mga boys na mas gusto ang girls na chubby kung tawagin kasi masarap daw yakapin.Tandaan mo sa aspeto ng pag-ibig wala naman requirements.

REQUIREMENTS Of LOVE

*MAGANDA - na sa sobrang ganda MAHIHIYA NA ANG MGA ARTISTA

*SLIM- panong slim ba?

*SEXY- anong sexy ba gusto yung sobrang laki ng hinaharap na kapag ipagtapat mo kay ETHEL at RUFA MAE pati kung sino pa ang may malalaking hinaharap ay mahihiya sa kanya.

Wala namang ganyan sa LOVE eh. Sino ba nagsabi na pagpanget ka at mataba ka hindi ka na pwede ligawan at magkaboyfriend? Ipakilala mo sa akin nangmakatikim ng hindi pa niya natitikman.

Lahat ng tao may karapatan hindi lng sa aspeto ng pag-ibig kundi sa lahat. Lahat tayo may karapatan wag lang yung bonggang sobra ang pag gamit ng karapatan ah. hehehehe

Hindi porket MATABA ka man o PAYAT

MAGANDA ka man o PANGET

BABAE ka parin na dapat MAHALIN ng sobra

At ituring na PRINSESA.

^_^

LOVE LOTS

NYLECORE ^_^

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon