Friendship Or Lovelife

180 3 1
                                    

Ang Buhay pag-ibig ay sadyang nakakaloka.

Lalo na pag may napagkukwentohan ka ng nararamdaman mo.

Lagi mo pa bukang bibig sa kanya at yung tipong kilig na kilig ka.

May pa palo-palo ka pa tapus sabay tili.

Pag nagtext yung Crush/Gusto mo sayo i-sheshare mo agad sa kanya. Yung tipong lahat ng bagay na nangyayari sa inyo ng Crush/Gusto mo ay siya lagi yung sinasabihan mo. At yung taong yun ay ang KAIBIGAN mo

na matagal na palang may GUSTO sa Taong GUSTO MO DIN.

Ngay! ang hirap naman, Siguro una masaya ka kasi hindi mo pa alam na pareho kayo ng GUSTO. Wagas ka pa makakwento sa kanya hindi mo alam nasasaktan mo na din pala siya hindi lang physicaly gawa nung mga palo mo sa kanya pagkinikilig ka kundi emotionaly din. Sa bawat kwento mo unti-unti na siyang sinasakal. Halos lahat ng mga sinasabi mo parang kutsilyo na sinasaksak siya paunti-unti. Magugulat ka na lang na mahihimatay na siya sa sakit sa harapan mo habang ikaw tuwang tuwa kakakwento ng kilig moments niyo ng crush mo.

Reality:

Marami ang nasisirang pagkakaibigan gawa ng isang lalaki. Magkaibigan na nagaagawan lang dahil sa lalaki. Tama hindi naman maiiwasan to na magkaron ng ganitong pangyayari na susubok sa inyong dalaw hindi to pagsubok kung sino ang una niyang liligawan kundi pagsubok kung hanggang saan ang kaya niyong ibigay sa pagkakaibigan niyo.

May mga tao nagshare sa kin ng naranasan nila tukong sa nasabing problema ng magkaibigan. Kadalasan daw na nagyayari sa magkakabigan ay nagiging watak watak at nagkakalimutan na lang na parang walang nangyari. Yung tipong sa isang iglap lang nawala na yung pagkakaibigan nila na iningatan nila ng ilang taon. Nawala yun dahil lang sa LALAKI.

My Opinion:

Para sa akin mahirap matrap sa ganyang problema pero ang mga bagay na ngbibigay ng test sa inyo ay yung mga bagay na di niyo akalain na mangyayari. Bakit nung nagkilala ba kayo napag usapan niyo ba yung tungkol sa prob. na ganito? Di ba hindi? May nagsabi pa sa kin na "ang love makakapaghintay yan makakahanap ka pa ng iba pero ang kaibigan mahirap makahanap ng totoong kaibigan" I agree. Bakit? Kasi naman kung ikaw nga pagnagbreak kayo ng Boyfriend mo ilang bwan ay mali baka ilang linggo palang may bago ka na. O di ba madali lang makahanap ng pamalit sorry sa rude word na pamalit pero totoo naman kasi. Pag dating sa kaibigan yan ang mahirap lalo na sa panahon ngayon mahirap talaga ngayon maghanap ng totoong kaibigan swerte mo kung makahana ka ng mabubuting kaibigan na kahit ano mangyari andyan sila para sayo.

Pero ako kasi naniniwala din na lahat tayo may kanya kanyang pananaw.

Ikaw ano ang pipiliin mo?

FRIENDSHIP O LOVE?

enjoy reading guys.

PS:

i want to hear all your reaction so pls. pls. pls. leave a comment.

isang malaking pasasalamat po ang gagawin ko.

DM niyo lang po ako kung may gusto kayo na topic dito. Mejo nauubusan na ako ng topic hehehe pero ayaw ko pa iend to hehehe. HELP ME PLS..... ^_^ Thanks

LOVE LOTS

NYLECORE ^_^

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon