Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

SMP (Samahan ng mga Malalamig ang Pasko)

283 6 10
                                        

Dahil tapos na ang araw ng mga patay. Ilang araw na lang at magpapasko na. Magsisilabasan nanaman 'yung mga taong single sabay post sa FB ng "Member nanaman ako ng SMP.

Kagaya ng simo'y ng malamig na hangin tuwing pasko. Bigla bigla mo na lang masasabi sa sarili mo na

"Malamig nanaman ang pasko ko."

 Marami din ang nag-iisip na ng ireregalo sa BF/GF nila. Minsan magngungulit pa sayo para magpatulong kung ano ang magandang ibibigay. Ikaw naman tutulungan mo tapos pagnasa mall kayo masasabi mo na lang sa sarili mo

"Yan sana yung gusto kong iregalo sa magiging BF ko."

Laganap na ngayon ang SALE sa mga MALL. Marami kang nakikita na couple na magkasama at masayang namimili. Ikaw lang mag-isa, naglalakad habang nakatingin sa kanila. Hindi mo ba napapansin, lahat sila may mga syotang malupit tapus ikaw walang ka-date saba'y sasabihin mo sa sarili mo

"Mabuti pa sila magkasama namimili, habang ako eto mag-isa."

Haaaaayyyyyy, kawawa ka naman kasi SINGLE ka ngayong pasko. Ilang taon ka na bang ganyan? Tsk tsk tsk.... Kadate mo nanaman yung sarili mo, bibili ka nanaman ng CARD at FLOWERS na kunwari may nagbigay sayo. Hindi ka pa nakuntento, Pipikturan mo pa ito at ipo-post sa FB o di kaya sa INSTAGRAM. Di lang yun lalagyan mo pa ng CAPTION na

"Someone gave this to me.Ahhhhhhhh... He's so sweet. Merry Christmas Guys ^_^"

Feel na feel mo pa ang pagTHANK YOU pagmay nagCOMMENT o LIKE ng post mo.

Tsk! Yung totoo, Sino niloko mo? Yung taong maglalike ng picture na pinost mo o sarili mo? Paki-EXPLAIN! LOVE YOU!

Hindi naman importante kung SINGLE ka o may karelasyon ka ngayong pasko. Kasi hindi naman yun ang talagang diwa ng pasko. Bakit pagsinabi bang CHRISTMAS DAY feeling mo VALENTINES DAY na? Baka may nakakalimutan ka ipapa-alala ko lang sayo.

Kung feeling mo nag-iisa ka nagkakamali ka.

Wag na wag ka uupo sa sahig habang akap-akap ang nakabaluktot mong mga paa sabay sabing 

"Nobody loves me."

Naku, mababatukan kita sa ginagawa mo. Paskong-pasko nag-eemo ka d'yan. Christmas po yung i-cecelebrate mo hindi HALLOWEEN

Kung ganyan ka ibig sabihin nakalimutan mo na talaga ang totoong diwa ng pasko. Nakalimot ka na din sa BIRTHDAY NIYA. Kaya pala feeling mo nag-iisa ka lang e, nakalimutan mo na pala siya. 

Mahalaga ang pagmamahal ng pamilya kaya wag mo sasabihin na walang nagmamahal sayo nandyan pa yung mga magulang at kapatid mo na pinagtitiyagaan ka. JOKE. Alalahanin mo may nagmamahal din sayo na laging nakatingin sayo at gumagabay sayo. HIndi siya multo kung yan ang inaakala mo. MAHAL KA NI GOD kaya wag ka magmukmuk dyan. SMILE NA. At please ang pasko po ay para magsaya, magmahalan at gunitain din ang kanyang kaarawan. Yan ang tunay na diwa ng pasko.

Hindi porke't SINGLE ka OUT ka na pag pasko.

Dapat maging masaya ka kasi MARAMI PA ANG NAGMAMAHAL SAYO KASAMA NA AKO DUN ^_^.

Advance Merry Christmas Guys. 

Love HurtsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon